Batang aktres bastos, plastikada | Bandera

Batang aktres bastos, plastikada

Reggee Bonoan |August 22,2018
facebook
share this

Batang aktres bastos, plastikada

Reggee Bonoan - August 22, 2018 - 12:15 AM

MUKHANG wala sa mood ang batang singer-actress nang makasalubong ng ilang katoto sa isang CR ng ABS-CBN Building. Nakasimangot at hindi man lang daw marunong mag-excuse ang dalaga.

Kuwento sa amin, “Wala palang manners si ____ (batang aktres), alam na palabas kami, aba’y nakipag-unahan pang pumasok, paano kami magkakasya? Tapos ‘yung alalay, ang dami-daming bitbit tapos siya wala ni isa? Partida, hindi pa siya masyadong sikat na sikat ha, paano kung mas sumikat pa?”

Ilang beses na naming nakakapanayam ang batang aktres at masayahin naman siyang kausap. Pero diin ng mga katoto, “E, kasi alam na press ka, at saka sa presscon natin nakakausap kaya maayos. Pero kapag wala pala sa harap ng press, ‘yan ang tunay na ugali. Walang manners!”

At heto pa, baka raw nahawa na kaibigan niyang aktres din na lumaki na ang ulo, “Magkaibigan kasi sila ni ____ (yumabang nang aktres), hayan pareho na silang bastos!” sabi uli sa amin.

Isa siguro ang batang aktres sa sinasabi ng beteranang aktres na wala pang napapatunayan pero feeling sikat na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending