Piolo ayaw nang gumawa ng teleserye; kakaririn ang pagiging producer | Bandera

Piolo ayaw nang gumawa ng teleserye; kakaririn ang pagiging producer

Dominic Rea |August 20,2018
facebook
share this

Piolo ayaw nang gumawa ng teleserye; kakaririn ang pagiging producer

Dominic Rea - August 20, 2018 - 05:51 PM

PIOLO PASCUAL

MARAMING nalungkot nang in-announce ni Piolo Pascual na hindi na siya gagawa uli ng teleserye.

Huling-huli na raw ang kanyang last soap opera na Since I Found You na nagtapos kamakailan sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Totoong draining ang paggawa ng teleserye dahil halos araw-araw ang taping nito at kadalasan ay inaabot pa ito ng madaling araw. It sounds beautiful para sa mga artistang may daily soap dahil regular ang kanilang earnings at visible sa TV.

But according to Piolo talagang napagod siya sa Since I Found You ng Dreamscape Entertainment.

He actually managed everything naman daw during his taping lalo na ang pagkakabuo niya ng bagong pamilya kasama ang buong production staff, cast and crew ng SIFY.

Pero sabi nga ng aktor, last teleserye na niya ito. Meaning, hindi na natin siya mapapanood sa mga drama series. Pero hindi naman daw ito goodbye showbiz kundi goodbye TV lang dahil kailangan niya raw tutukan ang mga gagawing pelikula ng film company nilang Spring Films.

Napakaraming naka-line-up na pelikula ng Spring Films kaya minabuti ni Piolo na magpahinga muna sa paggawa ng mga teleserye. Nang tanungin namin ang tungkol sa estado ng kanyang lovelife, tumawa muna si Piolo sabay sabing, “Basta happy ako ngayon!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending