Horoscope, August 20, 2018 | Bandera

Horoscope, August 20, 2018

Madam Sophia |August 20,2018
facebook
share this

Horoscope, August 20, 2018

Madam Sophia - August 20, 2018 - 12:24 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Limutin ang nakaraan. Dahil birthday mo ngayon, magsisimula ng dumating ang iba’t-iba at maraming suwerte sa iyong buhay. Magpagupit o magbago ng style ng buhok upang mas madaling pumaloob sa iyong pagkatao dagdag pang magagandang kapalaran sa larangan ng relasyon at aspetong pang-materyal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung magtatayo ng negosyo, wag tumabi sa mga puwesto na mahina ang benta, mahahawa ka lang sa kanila. Maghanap ng puwestong ang katabing tindahan o establisimyento ay daanan at pinupuntahan ng maraming mga tao. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum.” Lilac at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ang mga sahig na butas, pintuang may sirang bisagra, bintanang may basag na salamin at bakbak na pintura ay hindi nagdadala ng suwerte. Ayusin at pagandahin ang inyong bahay, upang dumating ang magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gold at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Hindi mo kailangang magpakahirap, makisama ka lang sa mga taong may birth date na 5, 14 at 23, makikita mo papalarin at uunlad ka agad. Sa pag-ibig, habang binibigyan ng dagdag na oras ang relasyon, lalong iinit ang pagmamahalan. Sa materyal na bagay laging gumamit ng numerong may “singko” tulad ng 555. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung laging tinatamad dala ng likas ka kasing tamad, magsabit ng crystal ball sa iyong opisina o silid tulugan. Sa ganyang paraan sisipagin ka na at sisipagin na ding dumating ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naranda-Om.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Upang mas madaling yumaman, pataasan ng bubong sa inyong Barangay ang dapat mong ipatupad. Kung sino ang may pinakatamaas na bubong, yon din ang magiging pinaka mayaman. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Unahan sa pagbangon ang haring araw, kapag nagawa mo yan, dagdag na kasaganaan sa materyal na bagay ang iyong maaakit, habang sa pag-ibig, tuloy-tuloy na magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Purple at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Upang makaiwas sa baha at suwertehin ang ipinapagawang bahay, itaas ang flooring ng higit sa main road. Sa ganyang paraan, mas maraming salapi at magandang kapalaran ang maakit ng inyong bagong gawang bahay. Mapalad ang 1, 4, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Om.” Gold at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Umiwas sa mga gawaing immoral dahil ang mga bagay na ito ang magpapabagsak sa iyong kabuhayan. Habang tuloy-tuloy din aangat ang kabuhayan, hangga’t ikaw palagi ang nasusunod sa halip na ang iyong kasuyo. Panatiliin ang tapat na pag-ibig sa kapwa, upang tuloy-tuloy ding lumigaya at sumagana. Mapalad ang 9, 15, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May trabahong iaalok ang isang Aries, sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag hayaang makaalpas ang isang bago at mas masarap na relasyong hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 9, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Upang magtuloy-tuloy ang suwerte lagyan ng tatlong mahabang guhit ang iyong lagda sa pinakailalim nito. Sa ganyang pirma sa pag-ibig at materyal na bagay aanihin mo’y kasaganaan at ligaya. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung lagi na lang bigo sa pag-ibig, maglagay ng malaking bato o higanteng estatwa sa iyong silid o sa harap ng bakuran. Sa ganyang paraan, sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon habang buhay ka ng liligaya. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung hindi sinusuwerte sa kasalukuyan tirahan, lumipat ka kaya ng ibang lugar. Sa bagong ambience na malapit sa nature, higit na gagaang ang pasok ng pera at lalong mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Silver at yellow aang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending