Bantay Bata 163 nagtayo ng Children's Village para sa mga biktima ng pang-aabuso | Bandera

Bantay Bata 163 nagtayo ng Children’s Village para sa mga biktima ng pang-aabuso

|August 20,2018
facebook
share this

Bantay Bata 163 nagtayo ng Children’s Village para sa mga biktima ng pang-aabuso

- August 20, 2018 - 12:30 AM

PAGMAMAHAL, kalinga, at pag-asa ang naghihintay sa mas marami pang kabataan sa muling paglulunsad sa Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong taon.

Nagsilbi nang tahanan sa mahigit 1,000 bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso ang mga batang kanilang naisalba.

Sa mas pinagandang pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng a-ting komunidad.

“Sa kabutihan ng ating mga donor at katuwang na organisasyon tulad ng local government ng Quezon City, mabibigyan na ng Bantay Bata 163 ng mas magandang tahanan ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at nangangailangan ng ating pagmamahal, pag-unawa, at pangangaalaga para makamit nila ang magandang kinabukasan,” ayon kay Jing Castaneda-Velasco, program director Bantay Bata 163.

Ayon pa kay Jing, kayang pangalagaan ng Children’s Village ang hindi bababa sa 120 na inabusong bata, sa parehong pisikal at psychological na pamamaraan, sa isang lugar na mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya.

Nakaantabay sa kanila ang mga social worker, health care professional, at house parent sa complex, na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

Bukod dito meron din silang meditation room, music room, arts and crafts room, library at eskwelahan para sa mga maliliit na bata, samantalang hatid sundo nila ang mas matandang mga bata sa mga kalapit na paa-ralan.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan, mula pagluluto hanggang pagnenegosyo. Maging ang mga magulang at pamilya nila ay hinahanda rin sa kanilang pagbabalik sa pamamagitan ng values formation.

Sa ginanap na mediacon para sa relaunch ng Children’s Village nitong weekend, isang dalaga na kinakalinga ng Bantay Bata 163 ang humarap sa entertainment media at ibinahagi kung paano siya natutong bumangon at tumayo sa sariling paa sa pa-tuloy na pangangalaga at pagpapaaral sa kanya ng Bantay Bata 163.

“Malaking tulong sa akin ang pag-aaral, lalo na sa sitwasyon ko na walang-walang nagmamahal o nag-aalaga sa akin,” aniya.

“Dahil sa tulong nila nahanap ko ang kumpiyansa sa sarili at ang kagustuhang magsumikap ng mabuting kinabukasan,” dagdag pa ng dalaga.

Sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng Bantay Bata 163 ngayong taon, patuloy na pinalalakas pa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata lalo na at 80% ng mga kabataang Pilipino ang nakararanas ng pang-aabuso sa salita, sekswal, o online sa kanilang buhay ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF.

Layunin ng Bantay Bata 163 na makahanap rin ng mga paraan upang malabanan at maiwasang mangyari ang mga pang-aabuso, habang nangunguna sa pangangalaga ng karapatan at kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Children’s Village.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay naganap ang MOA signing para sa financial assistance mula sa Quezon City government para sa operational at maintenance expenses ng Bantay Bata 163 Children’s Village. Ito’y dinaluhan nina Acting City Government Assistant Department Head III Maribel Cayco; Social Service Development Department Head Fe Macale; Quezon City Administrator Aldrin Cuna; ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. (ALKFI) Chairman Eugenio Lopez III; Quezon City Mayor Herbert Bautista; ALKFI Managing Director Susan Afan; Jing Castaneda at ALKFI Chief Finance and Services Officer Lita Lara.

Para sa impormasyon tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @abscbnfoundationkapamilya sa Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending