Female celeb mahilig mag-take home ng lalaki; tikim-tikim lang, ayaw ng relasyon | Bandera

Female celeb mahilig mag-take home ng lalaki; tikim-tikim lang, ayaw ng relasyon

Cristy Fermin |August 19,2018
facebook
share this

Female celeb mahilig mag-take home ng lalaki; tikim-tikim lang, ayaw ng relasyon

Cristy Fermin - August 19, 2018 - 12:45 AM

ISANG gabi ay napadaan ang aming source sa isang hilera ng mga apartment sa isang lugar sa Kyusi.

Ibang-iba na raw ang itsura ng lugar, marami nang bagong tayong gusali, malayo na ang itsura sa dati.

Madalas kasi du’n ang aming source, du’n nakatira dati ang isang magandang aktres, kaya alam na alam ng aming impormante kung anu-anong milagro ang nagaganap nu’n sa apartment.

Pag-alalang chika ng aming source, “Madalas ako d’yan, may dalawang hagdan sa apartment na ‘yan. Isang nasa loob na ginagamit ng lahat ng umuupa, saka isang nasa likod.

“Magaling si ____ (pangalan ng magandang aktres), kapag meron siyang pinapupuntang mhin sa unit niya, sa likod niya pinadadaan. Ayaw niya kasing makita ng mga katabing unit niya ang lalaki.

“Palaging ganu’n. Kapag may bago siyang alam n’yo na, sa backdoor ang daan nu’ng lalaki, ipinasasalubong niya sa assistant niyang becki.

“Pagpasok ng guy sa unit niya, umaalis na ang alalay niyang becki, tinatawagan na lang niya kapag paalis na ang lalaki. Parang short time lang ang peg nila, ganu’n!

“Kung sino ang mataypan niya, siguradong sa unit niya sila magkikita. Ayaw niya kasing gumawa ng milagro sa hotel, hindi raw siya safe sa ganu’n,” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Hindi na mabilang ng aming impormante kung ilang guwapong aktor ang nadala ng magandang aktres sa kanyang unit. Baligtad nga naman ang sitwasyon dahil ang babae pa ang nagte-take home ng makakasama niya sa paglipad sa langit ng kaligayahan.

“Alam namin kapag ilang araw na walang nagpupunta sa unit niya, meron siyang monthly visitor, meron siyang red bisita mula sa Red China. May regla siya.

“Pero sa dami ng mga nakatsuktsakan niyang modelo at artista, e, wala siyang nakarelasyon. Wala lang, parang nagpu-food tasting lang sila. Tikim-tikim lang. Magaling sa tikiman ng ulam ang girl na ‘yun!

“Bukod sa maganda na siya, kilala na, e, may korona pa siya sa ulo, choosy pa ba naman ang guy para tumanggi sa kanya? Marami siyang kapangalang artista, may kaapelyido rin siyang magandang young actress na dyunakis ng isang sikat na singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, walk in the park na lang kung sino ang magandang girl na ito, ‘no!” pagtatapos na chika ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending