Super Tekla nakipagbati na kay Willie, iniyakan ang pagkatsugi sa Wowowin | Bandera

Super Tekla nakipagbati na kay Willie, iniyakan ang pagkatsugi sa Wowowin

Ervin Santiago |August 19,2018
facebook
share this

Super Tekla nakipagbati na kay Willie, iniyakan ang pagkatsugi sa Wowowin

Ervin Santiago - August 19, 2018 - 12:35 AM

SUPER TEKLA AT WILLIE REVILLAME


NAGKAUSAP at nagkaayos na pala sina Willie Revillame at Super Tekla kaya hindi imposibleng magkatrabaho muli ang dalawa in the future.

Nawala si Tekla sa Wowowin ni Willie na napapanood araw-araw sa GMA. Sila ni Donita Nose ang magka-tandem noon pero sabay silang natanggal sa show pati na ang iba pang kasabayan nilang co-host sa Wowowin.

Aminado naman ang Kapuso comedian na nagkaproblema siya noon sa personal niyang buhay kaya hindi rin niya masisisi si Willie na pagpahingahin muna siya sa Wowowin. Napakalaki raw ng utang na loob niya kay Kuya Wil at forever daw niya itong tatanawin sa TV host.

In fairness, kahit nawala siya sa Wowowin hindi nawalan ng trabaho si Tekla, sa katunayan nagsunud-sunod pa nga ang proyekto niya sa GMA, kabilang na ang top-rating primetime series na Inday Will Always Love You na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

“Sobra akong nagpapasalamat sa GMA dahil nagtiwala sila sa akin. Kaya talagang naniniwala ako na kahit anong mangyari sa buhay o nangyayari sa buhay mo, darating man ang mga pagsubok, still yung talento mo, yun pa rin ang magbibitbit sa ‘yo,” sabi ni Tekla nang makachika namin sa pocket presscon ng Inday Will Always Love You Season 2.

Marami pa rin ang nagre-request kay Willie na sana’y pabalikin na sila ni Donita Nose sa Wowowin, “Oo nga, e. Nakakatuwa dahil hindi pa rin nila kami nakakalimutan, and we’re looking forward talaga, nakaka-miss sobra ang Wowowin.

“Tsaka nagkabati na naman kami ni Kuya Wil sa isang event, sa isang party ng GMA. Nagkausap kami, yung time na yun, parang nagbati kaming lahat. Ang saya sa pakiramdam,” chika pa ni Tekla na mas kilala na ngayon bilang si Kimberlou, ang isa sa mga BFF ni Happylou (Barbie) sa Inday Will Always Love You.

Na-miss ba niyang maging co-host ni Kuya Wil? “Of course! Talagang iniiyakan ko yun. Pero ganu’n talaga ang life. Yung karera paikot-ikot lang, di natin masasabi ang future, basta dapat handa ka lang sa lahat ng pwedeng mangyari.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending