Nanay ng kilalang singer nagtitinda ng shake sa mall; umiwas sa reporter | Bandera

Nanay ng kilalang singer nagtitinda ng shake sa mall; umiwas sa reporter

Reggee Bonoan |August 19,2018
facebook
share this

Nanay ng kilalang singer nagtitinda ng shake sa mall; umiwas sa reporter

Reggee Bonoan - August 19, 2018 - 12:20 AM

Dumayo ang katoto namin sa isang mall sa bandang Mandaluyong at laking-gulat niya nang makita ang nanay ng kilalang singer na may puwesto pala roon ng fruit shakes na manaka-naka lang ang mga bumibili.

Tinawag daw ng aming katoto ang nanay ng singer dahil nga magkakilala naman sila pero tumingin lang daw ito at bisi-bisihan na dahil at that time ay nagtitimpla raw ito ng shake.

Hinintay ng katoto namin na hindi na busy ang nanay ni singer, pero hindi na raw siya hinarap dahil may tinawagan para magbantay ng puwesto at sabay alis.

Naaliw kami sa kuwentong ito dahil parang ganito rin kasi ang drama ng mother ni singer kapag nakikita namin siya sa mga presscon. Kapag lalapitan para kumustahin o tsitsikahin ay panay ang iwas. In fairness, magalang naman siya sa amin kapag umaalis.

Kumusta na nga kaya ang nanay ni singer, matagal na namin siyang hindi nakikita. Sana nasa mabuti pa rin siyang kalagayan dahil alam naming may mga pinagdadaanan siya sa kanyang buhay ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending