Double pay sa Aug. 21 | Bandera

Double pay sa Aug. 21

Liza Soriano |August 18,2018
facebook
share this

Double pay sa Aug. 21

Liza Soriano - August 18, 2018 - 12:10 AM

MAKATATANGGAP ng dobleng holiday pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa susunod na linggo kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Duterte na gawing isang regular holiday ang Agosto 21 bilang paggunita sa Muslim Feast of Sacrifice, Eid’l Adha.

Nagkataon din na sa Martes ay isa ring special non-working holiday bilang Ninoy Aquino Day.

Gayunman, makatatanggap lamang ang mga manggagawa ng double holiday pay kung sila ay papasok o magtatrabaho sa Agosto 21.

Pinaalalahanan ang mga employer na sundin ang tamang pasuweldo sa mga manggagawa para sa regular holiday na pumatak rin sa araw ng special non-working holiday.

Sa Labor Advisory No. 12, ang mga sumusunod na pay rules ang dapat ipatupad sa computation ng suweldo ng mga manggagawa sa Martes alinsunod sa Proclamation Nos. 269 at 556 noong Hulyo 17, 2017 at Agosto 15, 2018:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Gayunman, kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200 %)].

Dagdag pa rito, kapag ang empleyado ay nagtrabaho nang lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Isinasaad rin sa advisory na kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [50% (Arawang suweldo x 200%)];

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending