Jeep, van nagsalpukan: 3 patay, 7 sugatan | Bandera

Jeep, van nagsalpukan: 3 patay, 7 sugatan

John Roson |August 17,2018
facebook
share this

Jeep, van nagsalpukan: 3 patay, 7 sugatan

John Roson - August 17, 2018 - 05:32 PM
TATLO katao ang nasawi at pito pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang jeepney at van sa Atimonan, Quezon, Huwebes ng gabi.

Agad nasawi ang driver ng van na si Luisito Sarte nang maipit sa minaneho niyang sasakyan, ayon sa ulat ng Atimonan Police.

Dead on arrival sa lokal na pagamutan ang sakay niyang si Segundina Llamado, habang ang isa pa, na nakilala bilang si Menilla Llovido, 55, ay binawian ng buhay habang nilulunasan.

Sugatan ang anim pang sakay ng van, at ang driver ng jeep na si Edwin Alvarez.

Naganap ang insidente dakong alas-11:35, sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Balubad.

Minamaneho ni Alvarez ang jeep (PYL-227) patungo sa direksyon ng Bicol nang bigla niya umanong kabigin ang sasakyan patungo sa kabilang lane, para iwasan ang isang cement mixer na nasangkot sa isang naunang aksidente doon.

Dahil dito, nakasalpukan ng jeep ang kasalubong na Nissan Urvan (VBV-332) na dala ni Sarte, ayon sa ulat.

Dinala ang mga sugatan sa Doña Martha Memorial District Hospital habang si Alvarez ay itinakbo sa isang pagamutan sa Lucena City.

Iniimbestigahan ang si Alvarez para sa posibleng pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to property.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending