15-anyos ni-rape, pinatay: 16-anyos, 1 pa dakip | Bandera

15-anyos ni-rape, pinatay: 16-anyos, 1 pa dakip

John Roson |August 16,2018
facebook
share this

15-anyos ni-rape, pinatay: 16-anyos, 1 pa dakip

John Roson - August 16, 2018 - 06:08 PM

DINAMPOT ng mga pulis ang dalawang lalaki, kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo, para sa umano’y pagpatay at paghalay pa sa 15-anyos na dalagitang natagpuang lumulutang sa irrigation canal, sa Pulilan, Bulacan.

Nadakip ang dalawa sa magkasunod na operasyon Miyerkules ng gabi, sabi ni Senir Supt. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.

Unang nadakip ang 16-anyos, nang matunton sa pamamagitan ng isang babae na pinagsanglaan niya ng cellphone ng pinatay at hinalay na dalagita, ani Bersaluna.

Itinuro ng binatilyo ang kasabwat na si Melvin Altubar, kaya naaresto ang huli nang gabi ring iyon, aniya.

Una dito, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Angelica Calimlim na lumulutang sa isang irrigation canal sa Brgy. Dampol 1.

Nakasuot ng itim na t-shirt pero walang saplot pang-ibaba ang biktima, kaya naghinala ang mga awtoridad na ito’y hinalay.

Sa imbestigasyon, napag-alamang nakipag-inuman ang mga suspek sa biktima noong Agosto 8.

Nalasing ang dalagita’t pinagsamantalahan ng mga suspek pero pumalag, kaya kanilang sinakal.

Nang mawalan ng malay ang dalagita ay ginahasa siya ng mga suspek, at pagkatapos ay pinagsasaksak sa dibdib, bago itinapon sa tubigan, ayon sa pulisya.

Umamin sa pagkakasala ang mga suspek, na ngayo’y hawak at hinahandaan na ng kaso ng Pulilan Police, ani Bersaluna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending