Tessie Tomas hindi naniniwalang may mayamang boyfriend si Erich | Bandera

Tessie Tomas hindi naniniwalang may mayamang boyfriend si Erich

Reggee Bonoan |August 17,2018
facebook
share this

Tessie Tomas hindi naniniwalang may mayamang boyfriend si Erich

Reggee Bonoan - August 17, 2018 - 12:15 AM

ERICH GONZALES AT TESSIE TOMAS

NANINIWALA si Ms. Tessie Tomas na na walang boyfriend si Erich Gonzales dahil hindi na nito kakayanin pang makipagrelasyon sa tindi ng trabaho ng dalaga sa teleseryeng The Blood Sisters.

Gumaganap bilang si Mamita/Dr. Rosemary Bermudez sa The Blood Sisters si Ms. Tessie at nakausap nga namin ang beteranang aktres sa thanksgiving/finale presscon ng programa tungkol kay Erich.

May nagsabi kasi na mayaman daw ang boyfriend ni Erich pero kumontra rito si Ms. Tessie, “Opps, totoo ba ‘yun? Hindi pa ipinapakilala sa akin. May oras pa ba siya sa boyfriend gayung hirap na hirap na siya sa taping?

“Bumibilib kami sa kanya kasi kung kami gumagawa ng 15 scenes i-times three mo ‘yun? Kasi nandoon siya sa lahat halos. Ako, I only memorize my character, siya she memorizes her all characters (Carrie, Erika at Agatha). At pag takes na niya, doon lang siya magme-memorize ng lines, ang bilis. Kasi kung aaralin niya ng maaga, baka magkahalu-halo, so, it’s really effective,” kuwento ni Ms. Tessie.

Oo nga, imposibleng may boyfriend ngayon si Erich dahil siya na mismo na ang nagsasabi na wala na siyang panahon sa sarili niya. Pag-uwi ay matutulog na agad siya at pagkagising kinabukasan ay taping na ulit. Kaya nga ilang beses bumagsak ang katawan ng aktres dahil sa sobrang pagod.

Abangan ang pagtatapos ng The Blood Sisters ngayong araw at alamin kung ano ang magiging ending ng tatlong karakter ni Erich.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending