Ai Ai nag-sorry kay Lord: Pasensya na po kung nagmura ako! | Bandera

Ai Ai nag-sorry kay Lord: Pasensya na po kung nagmura ako!

Julie Bonifacio |August 16,2018
facebook
share this

Ai Ai nag-sorry kay Lord: Pasensya na po kung nagmura ako!

Julie Bonifacio - August 16, 2018 - 12:25 AM

TINANGHAL na Best Actress ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa katatapos lang na 2018 Cinemalaya Film Festival para sa pelikulang “School Service.” Sayang at hindi niya personal na natanggap ang trophy during the awards night last Sunday.

May taping kasi si Ai Ai para sa Sunday PinaSaya kaya ‘di siya nakapunta. Ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio ang tumanggap ng kanyang award.

Hindi nag-expect si Ai Ai na mananalo pero ipinaubaya na lang niya sa Diyos kung ibibigay sa kanya ang Best Actress award sa Cinemalaya. At ‘yun naman ang nangyari.

“Oo, iba si Lord. Magugulat ka sa mga pasabog din niya,” say ni Ai Ai sa amin.

Sa kanyang Instagram account ay may nai-post na picture ni Ai Ai na nakatakip ang mukha niya habang umiiyak upon learning na siya ang nanalo.

“Nanonood ako ng The Clash at iniisip ko ‘yung mga nanalo nu’ng biglang sinabi ni Sancho (anak niya) sa akin, ‘Mama nanalo ka ng Best Actress?’ Patanong na excited.”

Her initial reaction was to cry at nag-cross sa isip niya na, “Nanalo ba ako? Tinanong ko pa si Sancho, totoo ba ‘yan, anak? Tapos tinag niya sa akin yung post na tinanggap ni Direk Louie ‘yung award ko. So, naniwala na ako.”

Dugtong pa niya, “Kay Lord sabi ko pasensiya na kung nagmumura ako sa movie na ito pero yun ang takbo sa buhay ng pelikula. Ang hirap at katotohanan sa buhay. Mama Mary thanks din, To God be the glory.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending