Kris: Grabe ang tiniis ko bago ako nagkabahay at negosyo! | Bandera

Kris: Grabe ang tiniis ko bago ako nagkabahay at negosyo!

Jun Nardo |August 16,2018
facebook
share this

Kris: Grabe ang tiniis ko bago ako nagkabahay at negosyo!

Jun Nardo - August 16, 2018 - 12:10 AM

KAINGGIT-INGGIT ang estado ngayon ng Starstruck winner na si Kris Bernal dahil sa 11 years niya sa showbiz, nakabili na siya ng bahay sa US na tinitirhan ngayon ng kanyang kapatid.

Meron din siyang bagong Korean resto ngayon, ang House of Gogi at nakakabiyahe sa ibang bansa nang sariling gastos at hindi na nagkukumahog sa paggawa ng mga teleserye sa GMA.

“Siguro kasi, for so long, nagtitipid talaga ako. For so long, tinipid ko ang sarili ko for having a driver, for having my own glam team, make up artist and all. Stylist. Pag inipon ko kasi, it’s very expensive eh.

“So siguro kaka-save ko rin and at the same time, money ko parang naka-time deposit. Hindi ko ginagalaw. Siguro nakatulong din ang time deposit para sa paghahanda sa future.

“Nu’ng naipon, doon ko naisip na mag-invest na ako. Ilabas ko na.

“Hindi naman ‘yung biglang dumami ang pera ko. Hindi nila alam na sobrang tipid ko. Ang dami kong tinipid at tiniis para lang mabili ko ‘yung bahay, mapatayo ko itong House of Gogi,” mahabang pahayag ni Kris nang bisitahin ng press sa kanyang Korean resto. Pinatikim din niya kami ng mga pagkaing inihahain nila sa customers.

Hindi naman niya totally tatalikuran ang pag-arte dahil ibinalita rin niya namay bago siyang series sa Kapuso, ang Mag-asawa, Magkaribal kung saan magsasama sila ni Thea Tolentino.

Wala naman daw kinalaman ang chef-boyfriend-business partner niya sa paghinay-hinay sa showbiz. Wala siyang planong mag-asawa sa ngayon at hindi pa rin siya ready magpabuntis, huh!

“Hindi naman ako nagrereklamo na matagal akong nawalan ng series after Impostora. Siguro, dumarating din ang time na parang nagsasawa ka na sa ginagawa mo!” diin ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending