Maine nag-iisang Pinay na pumasok sa Final 5 ng 'Asian Sweethearts' survey | Bandera

Maine nag-iisang Pinay na pumasok sa Final 5 ng ‘Asian Sweethearts’ survey

Jun Nardo |August 16,2018
facebook
share this

Maine nag-iisang Pinay na pumasok sa Final 5 ng ‘Asian Sweethearts’ survey

Jun Nardo - August 16, 2018 - 12:30 AM

IBINAHAGI ng mga loyal fans ni Maine Mendoza ang latest achievement nila bilang suporta sa kanilang idolo nang sa pamamagitan ng pagboto ay pumasok sa Top Five finalists ng Asian Sweethearts na pina-survey ng isang blog.

Sa YouTube channel ng blog, nakalagay roon ang collage video ng limang finalists na kinabibilangan ng Phenomenal Star. Mula sa 100 finalists, na-trim ito sa 30.

Sa huling resulta na inilabas ng survey, tanging si Maine lang ang Filipina na pasok sa Final Five na makakalaban ng apat na kinatawan mula sa iba pang Asian countries.

Kahit sa social media lang ang labanang ‘yon eh, binigyang-importansiya pa rin ng mga fans ni Maine na hindi matatawaran ang suporta sa idolo kahit sa anong klaseng labanan, mainstream man o social media, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending