Sharon pinagalitan ng ilang fans ni Kathryn dahil kina Joshua at Julia | Bandera

Sharon pinagalitan ng ilang fans ni Kathryn dahil kina Joshua at Julia

Ervin Santiago |August 16,2018
facebook
share this

Sharon pinagalitan ng ilang fans ni Kathryn dahil kina Joshua at Julia

Ervin Santiago - August 16, 2018 - 12:25 AM

SHARON CUNETA

INAWAY ng ilang KathNiel fans si Sharon Cuneta matapos mag-comment ang Megastar tungkol kay Kathryn Bernardo at sa tambalang Joshua Garcia-Julia Barretto.

Hindi nagustuhan ng fans ni Kath ang mensaheng ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram kamakailan, sana raw ay isipin muna ng TV host-actress kung may mao-offend o masasaktan sa mga sasabihin niya sa social media.

Nag-post si Mega ng poster ng bagong serye nina Joshua at Julia sa Instagram, ang Ngayon At Kailanman at sa comment section sinabi niyang, “I know I will love Kathryn too because my bosses have told me how kind and sweet she is. But my Josh and Julia are irreplaceable! @juliabarretto @garciajoshuae.”

Nakasama ni Mega ang JoshLia sa pelikula nila ni Robin Padilla na “Unexpectedly Yours” at matagal na niyang sinasabi na love na love niya ang dalawa. Pero ilang fans ng KathNiel ang nag-react at kung anu-ano nang masasamang salita ang ibinato kay Mega.

Burado na ang mga negative comments ng ilang netizen laban kay Mega pero may ilan pa kaming nabasa na hindi pabor sa ginawa niyang pagkukumpara sa JoshLia at KathNiel.

Sey ni @wanderstellaa, “@reallysharoncuneta OMG sana hindi na lang nagbanggit ng iba kasi po magdudulot lang ng fanwars kahit wala naman talaga dapat issue. Hehe. But anyways, talaga pong mamahalin nyo si Kath, imposibleng hindi? Napakabait na bata. Di na po makapagintay ang KNs na makita sya sa big screen kasama po kayo at si sir Richard. Godbless po sating lahat.”

Ito naman ang resbak ni @allyzonmarzo@izziabasi_santua sa isang basher ni Mega, “Bastos ksi wla naman sinabi na hindi maganda c sharon kung ano ano na sinabi e wla pa nga napapatunayan c kathryn. Hindi pwedeng tilian lng. Wla sa kalahati ng narating ni sharon idol nila.”

“Hindi talaga fans yan ng kathniel. Naninira lang po para masira din image ng kathniel. Huwag niyo nalang po pansinin,” sabi naman ng isa pang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending