Arjo, Ria parehong may entry sa MMFF 2018 | Bandera

Arjo, Ria parehong may entry sa MMFF 2018

Reggee Bonoan |August 16,2018
facebook
share this

Arjo, Ria parehong may entry sa MMFF 2018

Reggee Bonoan - August 16, 2018 - 12:20 AM

HINDI natuloy ang presscon ng “The Hows Of Us” na nakatakda sana this week kaya posibleng makasama na si Ria Atayde sa ire-reschedule na mediacon para sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Pupunta kasi sa Hongkong si Ria kasama si Enchong Dee para sa isang hosting project.

Ayaw sabihin ng dalaga kung anong project ito dahil bawal pa. Sa Oktubre pa raw ito ipalalabas pero hindi pa malinaw kung sa Hongkong ito mapapanood o sa cable channel.

Anyway, gaganap na bestfriend ni Kathryn si Ria sa “The Hows Of Us” at nag-enjoy daw talaga ang dalaga na katrabaho ang KathNiel, bukod daw sa mababait at magagalang ang magka-loveteam ay masarap din daw silang kausap.

At higit sa lahat, enjoy siyang katrabaho si Direk Cathy Garcia Molina na matagal na niyang pangarap. Fan daw kasi siya ng mga pelikula ng direktor.

Bukod sa “The Hows Of Us”, kasama rin si Ria sa 2018 Metro Manila Film Festival entry ng Quantum Films na “Girl In The Orange Dress” na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales sa direksyon ni Jay Abello.

Kasama rin ang dalaga sa seryeng Halik bilang trusted employee ni Jericho Rosales at malapit na raw siyang mag-taping para rito. Hindi naman binanggit ni Ria kung anong week siya papasok sa serye.

Proud mom naman si Sylvia Sanchez dahil ang mga anak niyang sina Ria at Arjo Atayde ay parehong kasama sa MMFF. Kasama ang aktor sa pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin na “Popoy Em Jack: The Puliscredibles” mula sa MZet, APT at CCM Productions.

Anyway, nakita namin ang post ni Sylvia kahapon na magkakasama silang pamilya sa kuwarto ng bunsong anak na si Xavi na maysakit. Ganito talaga ang pamilya Atayde na kahit mga busy, pag araw ng Linggo ay inilalaan talaga nila para sa kanilang Family Day.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending