Sekyu binaril ang isang taong grasa matapos maglakad sa riles ng MRT | Bandera

Sekyu binaril ang isang taong grasa matapos maglakad sa riles ng MRT

Leifbilly Begas |August 15,2018
facebook
share this

Sekyu binaril ang isang taong grasa matapos maglakad sa riles ng MRT

Leifbilly Begas - August 15, 2018 - 12:59 PM

BINARIL ng isang guwardya ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) ang isang hubot’ hubad na taong grasa matapos itong maglakad sa riles ng tren.

Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Transportation-MRT3, alas-8:43 ng umaga ay nakitang naglalakad sa riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes stations ang hindi nakilalang palaboy.

Kapantay ng kalsada ang riles sa pagitan ng dalawang istasyon.

Nang puntahan ng guwardya at mga pulis ay nagwala umano ang hindi nakilalang biktima at nambato. Kahit na ang mga sasakyan umano sa kalsada ay binato nito.

“In the process, the guard shot the leg of the “taong grasa” to prevent the latter from inflicting harm to others,” saad ng pahayag.

Dinala ang taong grasa sa Ospital ng Maynila at ang hindi pinangalanang guwardya kasama ang kalibre 9mm pistola nito.

Bahagyang naantala ang biyahe ng MRT.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending