2019 plans ni actor- politician napurnada | Bandera

2019 plans ni actor- politician napurnada

Den Macaranas |August 15,2018
facebook
share this

2019 plans ni actor- politician napurnada

Den Macaranas - August 15, 2018 - 12:10 AM

ILANG taon bago ang 2022 elections ay abala na ang isang actor-politician sa kanyang maagang pangangampanya.

Sinabi ng ating Cricket na masyadong kabado ang bida sa ating kwento dahil inilaglag siya ng pulitiko na nangako sa kanya ng magandang pwesto sa 2019.

Base sa mga naunang plano, si actor-politician ang patatakbuhin na kongresista sa kanilang distrito .

Yun ang dahilan kaya naging loyal siya at halos sambahin ang itinuturing niyang political kingpin na nagtiwala sa kanyang kakayahan.

Pero sa nakalipas na mga araw ay biglang nag-iba ang mga pangyayari.

Nakipag-usap ang kanyang among gobernador sa isang mayaman na pulitiko na nauna nang na-ireport na makakaharap niya sa susunod na eleksyon.

Nagkaayos ang dalawa dahil malaking halaga ng pera ang ipinangakong ibibigay sa gobernador para hindi na tumakbo ang kanyang misis at maiwasan na makabangga ang bilyonaryong politician.

Wala na sanang problema pero may tao palang ilalagay ang bilyonaryong pulitiko sa inaasintang distrito ni actor-politician.

Ito ngayon ang dahilan dahil alam ng ating bida na isasakripisyo ang kanyang political ambition dahil nasuhulan na ng malaking pera ang kanyang amo.

At dahil mukhang doon na nga patungo ang mga pangyayari kaya ngayon pa lang ay pumuposisyon na siya sa pamamagitan ng maagang pag-iikot sa kanyang target na distrito.

Naghahanap na rin ng madidikitang kaalyado si actor-politician pero mukhang mahihirapan siya dahil halos lahat ng mga alkalde sa kanyang nasasakupang lugar ay nabili na ng bilyonaryong pulitiko na ngayon ay kaalyado na ng kanyang amo.

Kahit gusto niyang iwan ang kanyang boss ay hindi niya magawa dahil marami itong hawak na alas laban sa kanya.

Kamakailan kasi ay nasangkot rin sa land grabbing ang ating bida na posibleng magdala ng sakit ng ulo sa kanya oras na mahalungkat ito ng mga tao sa kanilang lalawigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento na nagsimula nang mangampanya dahil iniwan na siya ng kanyang financier at Boss sa pulitika ay si Mr. D….as in Dako.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending