Cash-based budgeting mas epektib? | Bandera

Cash-based budgeting mas epektib?

Leifbilly Begas |August 15,2018
facebook
share this

Cash-based budgeting mas epektib?

Leifbilly Begas - August 15, 2018 - 12:10 AM

MUKHANG nabulaga ang Kamara de Representantes sa cash-based budgeting na ginamit ng Department of Budget and Management para sa 2019 budget ng Duterte government.

Pagpasa pa lang sa kanila ng budget ay napansin nila na nabawasan ito. Mula sa P3.767 trilyon ngayon taon ay bumaba ito sa P3.757 trilyon sa susunod na taon. Parang ngayon lang nangyari na bumaba ang isinumiteng budget ng Malacanang sa Kongreso kaya marami ang tumaas ang kilay.

At ang dahilan ng pagbaba, ayon sa Department of Budget and Management ay ang paggamit ng cash-based budgeting. Ngayong taon at sa mga nagdaang taon na obligation-based budgeting.

Sabi ng DBM mapabibilis ng cash-based budgeting ang paggastos ng gobyerno dahil dapat magamit ng budget ng ahensya sa loob ng isang taon at may palugit lamang itong tatlong buwan, kung hindi ay babalik na ito sa National Treasury.

Pano daw kung halimbawa nagpagawa ng 10 kilometrong kalsada. Ang natapos lang sa loob ng isang taon ay 8 kilometro, ibig sabihin ang babayaran lang ng gobyerno ay yung para sa 8 kilometro?

At yung pondo para sa natitirang 2 kilometro ay babalik na sa treasury. Pano daw yun hindi na tatapusin yung 2 kilometro hindi na magagawa kasi ibinalik na yung budget?

At kung mapopondohan ulit, panibagong bidding daw ba o itutuloy lang ng nakakuhang contractor? At hindi daw kaya magdemanda ang contractor kung ibibigay sa iba eh kasama na yun sa bidding na naipanalo nila?

Tanong din ang pondo para sa Free College Education. Ang 2nd semester ng ilang State Universities and Colleges ay sa susunod na taon dahil hindi Hunyo nagsisimula ang kanilang pasukan. Ibabalik na ang pondo sa treasury dahil tapos na ang taon.

Kahit na ang kalihim ng iba’t ibang departamento ay hindi alam ang sagot sa katanungan ng mga kongresista kaya minabuti nila na suspendihin ang pagdinig ng budget at linawin ang mga isyu sa DBM.

Hindi naiintindihan ng marami sa mga kongresista ang pinagkaiba ng budgeting systems ng DBM. Ang naiintindihan lang nila ay nabawasan ang pondo para sa social services ng gobyerno.

Nagtataka rin ang mga kongresista kung bakit bababa ang budget kung kailan mas lumaki ang koleksyon sa buwis ng gobyerno. Ipinasa nila ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion law (TRAIN) na nagpataas ng buwis sa maraming bilihin para lumaki ang kita ng gobyerno at mapondohan ang mga proyekto para sa publiko.

Iniulat ng Department of Finance kamakailan na tumaas ng 19.9 porsyento ang koleksyon nito sa buwis sa unang anim na buwan ng taon, na siya ring unang semester ng pagpapatupad ng TRAIN 1.

Mula sa P1.176 trilyon sa unang anim na buwan ng 2017 ay tumaas ito sa P1.410 trilyon sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Malaking bahagi nito ay koleksyon ito ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Mas maraming pera ang gobyerno, mas marami dapat gastusin para sa serbisyo publiko.

Dahil sa gulong ito umusbong ang posibilidad na magkaroon ng reenacted budget sa 2019.

Ibig sabihin kung ano ang budget ng 2018 ay ganun na rin ang gagamitin sa 2019. Ang Malacanang ang magdidikta kung ano ang mga gagastusang proyekto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May biglang nangamba, election year kasi sa 2019 kaya lamang na lamang ang mga taga-administrasyon kung ang Malacanang ang magsasabi kung saan gugugulin ang trilyong pondo ng gobyerno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending