Regine nag-share ng good vibes habang bumabagyo | Bandera

Regine nag-share ng good vibes habang bumabagyo

Jun Nardo |August 15,2018
facebook
share this

Regine nag-share ng good vibes habang bumabagyo

Jun Nardo - August 15, 2018 - 12:45 AM

REGINE VELASQUEZ

Nag-viral ang Instagram photo ni Regine Velasquez sa kasagsagan ng matinding ulan at pabaha sa Metro Manila. Siya mismo ang nag-repost ng isang meme na nagbigay ng saya at good vibes sa mga netizens.

May dalawang litrato sa nasabing IG post, isa ang litrato ng Songbird na bumibirit (ng kantang Tuwing Umuulan) habang ang isa ay photo ng isang bata na umiiyak habang nasa baha. May thought bubble ito na, “Tumigil ka na Regine please, bumabaha na nga eh.”

Ito naman ang caption na inilagay ni Regine sa nasabing meme, “Ito na o, grabe kayo sakin.”

Maraming nagpasalamat kay Regine sa pagbibigay ng good vibes sa gitna ng kinakaharap na problema ng mga Pinoy.

Ang comment ni @cha_cotonerang, “Cute nyo po Songbird, you make fun of it, sa totoo lng kasarap nyo nman pakinggan!”

Ayon naman kay @heweeklydyls, “@lanimisalucha Pls kantahin mo naman ang ‘Tila’ para tumila na ang Ulan at humupa na ang baha po! Hahahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending