Vhong pinatunayan ang pagiging Mr. Suave sa ‘Unli Life’ | Bandera

Vhong pinatunayan ang pagiging Mr. Suave sa ‘Unli Life’

Jun Nardo |August 15,2018
facebook
share this

Vhong pinatunayan ang pagiging Mr. Suave sa ‘Unli Life’

Jun Nardo - August 15, 2018 - 12:40 AM

VHONG NAVARRO

Winner sa pagpapatawa ang latest movie ni Vhong Navarro na “Unli Life.” Ibang-iba naman kasi ang konsepto nito tungkol sa pagbalik sa nakaraan ng isang tao para maitama ang kanyang mga pagkakamali.

Suwabeng-suwabe pa rin ang bawat bitiw ni Vhong ng punchlines na bentang-benta sa mga nanood sa premiere last Monday sa SM Megamall. Bumagay rin sa kanya si Winwyn Marquez dahil kakaiba rin ang hatid nilang kilig sa manonood.

Isa sa hinalakhakan ng crowd ay ang paggamit ni Vhong ng on-going network war. Kapamilya siya habang Kapuso naman si Win! Kaya naman sa pelikula na lang din nila naipamalas ang galing nila sa pagsasayaw.

Bukod sa dumalong members ng cast kabilang na ang ama ni Win na si Joey Marquez, nakihalakhak din sa preem sina Alma Moreno, Pepe Herrera, Jhong Hilario, Ryan Bang, Myrtle Saroza, Janus del Prado, Jorross Gamboa, Hashtags members Vito, Kidd, McCoy at Tom, beauty queens Laura Lehman, Chynthia Tomalia, at marami pang iba.

Grade B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa “Unli Life” na idinirek ni Miko Livelo. After “Unli Life,” pinaghahandaan na agad ng Regal Films ang follow-up movie ni Vhong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending