Sikat na young actor mahina ang kontrol sa tawag ng laman | Bandera

Sikat na young actor mahina ang kontrol sa tawag ng laman

Cristy Fermin |August 15,2018
facebook
share this

Sikat na young actor mahina ang kontrol sa tawag ng laman

Cristy Fermin - August 15, 2018 - 12:30 AM


MARAMING katrabaho ng isang young actor ang humuhula na hindi sila magtatagal ng kanyang girlfriend na young actress.

Mabilis kasi siyang matukso, malakas ang kaway sa kanya ng init ng katawan, kaya baka magulantang na lang daw tayo dahil tapos na ang kuwento ng pagmamahalan nila ng kanyang girlfriend.

Tatahi-tahimik lang kuno ang guwapong young actor na ito, pero kumbaga ay nasa loob ang kanyang kulo, kaya niyang gumawa ng milagro hanggang sa makalulusot siya.

Kuwento ng aming source, “Naku, mahina ang self-control ng lalaking ‘yun! Mabilis siyang mag-fall. Kapag may nakikilala siyang girl na maganda at sexy, tiyak na kukunin niya na ang phone number nu’n.

“Mahina siya pagdating sa girls, kahit meron na siyang karelasyon, talagang nakikipag-close pa rin siya, pagiging close na alam na natin kung ano ang ending!

“Kundi niya tatantanan ang kahinaan niya sa mga girls, e, siguradong magkakahiwalay sila ng girlfriend niya na mukhang kayanan-kayanan pa naman siya!” unang chika ng aming impormante.

May mga nagsasabi naman na ang dahilan ng pagiging chickboy ng guwapong young actor ay ang pagiging sobrang higpit ng kanyang girlfriend.

“‘Yun naman kasing girlfriend niya, e, akala mo doberman na palaging nakaabang at nakabuntot sa kanya.

Hindi pa nga siya nakalalayo, e, may tanong na agad ang girl, ‘Where are you now?’

“Siguro, masyado na siyang nasasakal sa mga pinaggagagawa ni ____ (pangalan ng magandang young actress), kaya siya nagkakaganyan! Feeling niya raw kasi, e, masyado na siyang hinahawakan sa leeg ng babae. Gusto siguro niyang makahinga-hinga naman.

“Pero mali pa rin ang ginagawa niya, napakaliit ng mundo, siguradong makararating sa girl ang mga pakikipag-close na ginagawa niya sa mga ipinakikilala at nakikilala niyang girls.

“Minsan na siyang na-Julie Andrews (read: nahuli) ng girlfriend niya, pinag-awayan na nila ‘yun, may umayos lang sa kanila. Kapag nalaman ng girl ang mga ginagawa niyang pakikipaglapit sa ibang girls, siguradong nganga na naman siya!” panghuling chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Getlak n’yo na kung sinu-sino sila, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday. Napakadaling hulaan, kilalang-kilala n’yo sila, promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending