Alice umiwas sa isyu ng kasalan; nag-sorry sa pamilya ni Dingdong | Bandera

Alice umiwas sa isyu ng kasalan; nag-sorry sa pamilya ni Dingdong

Reggee Bonoan |August 15,2018
facebook
share this

Alice umiwas sa isyu ng kasalan; nag-sorry sa pamilya ni Dingdong

Reggee Bonoan - August 15, 2018 - 12:10 AM

ALICE DIXSON

UMIWAS si Alice Dixson na pag-usapan ang diumano’y pagpapakasal niya sa isang mayamang negosyante na may-ari ng isang resort sa Boracay.

Sa grand presscon ng bagong primetime serye ng ABS-CBN na Ngayon At Kailanman kung saan bida sina Joshua Garcia at Julia Barretto, natanong ang aktres tungkol sa Boracay issue kung saan nagpa-picture sa isla noo.g kaarawan niya.

Na-bash nang husto ang aktres nang i-post niya sa Instagram ang kanyang selfie photo at video dahil alam naman ng lahat na bawal pa ang mga turista na mamasyal sa Bora habang sumasailalim ang isla sa rehabilitation.

Ipinagtanggol naman si Alice ng staff ng Crimson Resort And Spa Boracay, kaya raw naroon ang aktres ay dahil asawa siya ng executive ng nasabing hotel.

Ang paliwanag ng aktres, “I don’t wanna answer the part of being married. But I’m gonna answer the part being in Boracay.

“Yes, I’m a resident there (one year ago), yes I was there on my birthday, yes I did post pictures on my Instagram because natuwa lang ako na there was nobody in the beach when I was there and I know na never ulit iyon mangyayari sa buhay ko.

“I never thought that I would hear so much public outcry for that, parang ang laki ng kasalanan ko but in the same sense na hindi ko naman ma-explain-explain. And I didn’t feel that I need to explain my personal life to the whole world. But now that it’s happened alam n’yo na. Ha-hahahaha!”

Nabanggit ni Alice na looking forward na ang lahat ng taga-Boracay sa opening nito sa Okt. 26, “Hindi ko ipinakita ‘yung road widening na ginagawa, sinadya ko ‘yun because ayokong pintasan or ang dami kasing maliit na information na kapag nalaman ng tao, they will blow it up.

“And a lot of things, even worse pala ang politics, parang ibinabato sa gobyerno ‘yung mga negative na balita right away. They’re always play the blame game and I don’t want that to happen because everybody is working very hard na mag-open na ang Boracay sa end of October,” kuwento ng aktres.

Samantala, sinagot din ni Alice ang isyu tungkol sa paggamit ng wedding picture nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinalitan ng mukha nila ni Edu Manzano sa episode ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto 8.

Nabasa namin ang isang panayam kay Dingdong na nagsabing sa episode rin ng Ang Probinsyano noong Nob. 9, 2017 ay may ipinakitang larawan nina Joko Diaz at Mickey Ferriols na may hawak na isang baby. Ang nasabing litrato ay kuha naman daw sa binyag ng anak nina Dong at Yan na si Letizia.

Paliwanag ni Alice, “Hindi ko alam na picture nila iyon pero alam kong photoshop ‘yun ng face namin ni Edu sa picture ng mag-asawa na ikinasal, but I don’t know anything about kung sino ‘yung pinalitan naming mukha. I hope there was no problem.”

Sumulat na raw si Dingdong sa production team ng serye ni Coco dahil wala silang permiso sa paggamit ng kanilang mga litrato.

“Kahit naman ako masa-sad din ako, pero ako personally I didn’t know that it was their photo. There was no trace of their face or anything personal in their photograph aside siguro ‘yung damit nila.

“Humihingi po ako ng paumanhin kay Dong if our production made a mistake like that. Kahit naman ako if it’s my wedding photo ayokong gamitin ng ibang tao, so if there’s another photo na magagamit ‘yun, I’ll make sure na they do something about it. Thank you na nakarating sa akin,” paliwanag ni Alice.

Ito naman ang ipinost ni Dingdong sa kanyang Facebook account, “Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours.

“But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources. I do hope that this won’t happen again to anyone.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa seryeng Ngayon At Kailanman na magsisimula na sa Agosto 20 gaganap si Alice bilang nanay nina Joshua at Jameson Blake. Bilib na bilib din ang aktres sa galing ni Joshua bilang aktor pero tahimik at mahiyain daw ang batang aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending