Young hunk actor adik na adik sa mamahaling make-up...bakla nga ba? | Bandera

Young hunk actor adik na adik sa mamahaling make-up…bakla nga ba?

Cristy Fermin |August 12,2018
facebook
share this

Young hunk actor adik na adik sa mamahaling make-up…bakla nga ba?

Cristy Fermin - August 12, 2018 - 12:15 AM

PALAGING ipinambubutas sa kuwestiyonableng kasarian ng isang young hunk actor ang hilig niya sa mga make-up brands. Pagdating daw kasi sa pangkulapol sa mukha ay walang makatatalo sa kanya.

Alam na alam niya kung ano ang latest, siguradong nakapag-order na siya, kaya ganu’n na lang ang ikot ng mga tsismisan sa kanilang network na katanung-tanong nga ang kanyang gender.

Pero may mga nagtatanggol sa young hunk actor, lalo na sa kuwento na kapag nasa ibang bansa siya ay shop ng mga make-up ang una niyang pinupuntahan, may kuwento ang source tungkol du’n.

“Naiinis nga ang mga former classmates ni ____ (pangalan ng young hunk actor), kasi, pati ba naman ang pagkahilig niya sa iba-ibang brands ng make-up, e, ibinubutas pa laban sa kanya?

“Bakit, porke ba mahilig sa make-up ang isang lalaki, e, bading na siya? Enough reason at basis na ba ‘yun para sabihing becki siya?

“Ang hindi kasi alam ng mga taong ‘yun, kahit nu’ng nag-aaral pa siya, e, talagang mahilig na siya sa mga branded na make-up stuff, ‘yun na talaga ang binibili niya.

“Hindi pa siya nag-aartista nu’n, ha? Pasali-sali pa lang siya sa mga stage plays sa school nila. kumpleto na talaga ang gamit niya sa pagme-make-up, hindi siya nanghihiram, siya pa nga ang very generous sa pagpapagamit nu’n sa mga kasamahan niya.

“Kaya hindi siya dapat hinuhusgahan sa ganu’n lang, updated talaga siya sa mga make-up brands, meron siyang mga brochure, lalo na ngayong kilala na siyang artista!” madiing depensa at chika ng aming source.

Kung bakit naman kasi nu’ng minsang dumayo ang kanilang grupo sa ibang bansa ay napansin ng kanyang mga kasamahan na make-up shop agad ang kanyang pinasok.

“Hindi rin kasi maiiwasan ang pagbibintang sa kanya, kasi nga, kung ang ibang mga co-stars niya, e, sa shop ng mga damit at sapatos pumasok, siya naman, e, sa make-up shop.

“Natural, kumawag agad ang mga dila, may mga nagkindatan, becki raw talaga ang young hunk actor na matagal nang questionable ang gender.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“E, di mag-ingat kasi siya! E, di huwag sana siyang nagpapakita sa mga kasamahan niya na mahilig talaga siya sa make-up!” madiing chika ng aming source.

Oo nga naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, e, di huwag dapat siyang nagpapaka-obvious, tama?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending