Alden nililigawan ni Pacquiao para sa ‘Pacman & Robin’, hahabol sa 2018 MMFF

By Ambet Nabus August 11,2018
share this

Alden nililigawan ni Pacquiao para sa ‘Pacman & Robin’, hahabol sa 2018 MMFF

By Ambet Nabus August 11,2018
share this

MANNY PACQUIAO, ALDEN RICHARDS AT ROBIN PADILLA

KUNG nanindigan pala at hindi naging busy sa kanyang Marawi movie si Robin Padilla, malamang ginagawa na niya ang pelilulang “Pacman & Robin” kasama ang bosing champ na si Sen. Manny Pacquiao.

Intensyon sanang isali o ihabol ito sa 2018 Metro Manila Film Festival (deadline ngayong Sept. 21), pero dahil mukhang hindi na puwede si Binoe (dahil sa kanyang busy schedule), naghahanap na ngayon ng bagong gaganap na Robin ang production company ni Pacquiao.

Napabalitang kasama sa pinagpipilian nina Pacman sina Ian Veneracion at Paulo Avelino, pero nitong mga nakaraang araw, biglang pumasok ang pangalan ni Alden Richards na bumibida ngayon sa superhero series ng GMA na Victor Magtanggol.

Kung sakali ngang makukuha nina Pacquiao si Alden, tiyak na mas magiging bongga ang labanan sa darating na MMFF dahil madadagdagan ang mahigpit na kalaban ng mga entry nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza (Jak Em Poy) at nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez (Fantastika).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending