Aling Mocha wala nang kinatatakutan ngayon, feeling nakasandal sa pader

By Cristy Fermin August 11,2018
share this

Aling Mocha wala nang kinatatakutan ngayon, feeling nakasandal sa pader

By Cristy Fermin August 11,2018
share this

MOCHA USON AT DREW OLIVAR

Sobrang kapal! Ganu’n ang madalas nating maririnig sa kahit anong umpukan kapag ang pangalan na ni Asec Mocha Uson ang napag-uusapan.

Hindi raw kasi nila alam kung saan kumukuha ng apog ang dating singer-dancer sa kanyang pagmamalabis at pambabastos sa maraming seryosong bagay-bagay.

Lalo na nu’ng sabihin ni Aling Mocha na nang dahil daw sa kanyang ginawang video na kasama ang isang may kaangasang komedyante ay nalaman ng mga kababayan natin kung ano ang ibig sabihin ng pederalismo ay lalong naging matindi ang pagkainis sa kanya ng mga thinking Pinoy.

Parang ang gusto pa yata kasi ni Asec Mocha ay ang purihin siya sa ginawa niyang may kabastusang video tungkol sa federalism.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Lumalaki ang ulo niya dahil parang kinukunsinti pa siya ng matataas na pinuno ng gobyerno natin na dapat unang-unang sumoheto sa kanya.

“Ayun, akala tuloy ni Asec Mocha, e, palaging okey lang ang mga ginagawa niya!

“Matagal na siyang pinaaalis sa posisyon ng mga kababayan natin, pero nand’yan pa rin siya, parang hindi man lang natitinag. Palibhasa, alam niyang nakasandal siya sa pader, kaya lumolobo ang ulo niya!” naiinis na sabi na lang ni prop.

Korek!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending