Horoscope, August 11, 2018

By Madam Sophia August 11,2018
share this

Horoscope, August 11, 2018

By Madam Sophia August 11,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag magpadala sa sulsol ng mga kaibigan. Kung madali kang nagpapauto, biglang mauubos ang salapi. Sa pag-ibig iwasan muna ang lipunan, romansahin na lang muna ang minamahal habang patuloy ang pagpatak ng ulan at pagkulimlim ng panahon. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Wag mainggit sa iba, hindi mo ba alam, kaya mo silang daigin. Kumilos at magsimula ka na ngayon. Sa pag-ibig, ang pagseselos ang magtutulak upang lalong lumayo ang minamahal. Mapalad ang 8, 12, 25, 36, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Simulan ang araw sa panalangin at pagsusuot ng kulay red. Sa pinansiyal, gamitin ang iyong kagandahan upang makaakit ang pera. Sa pag-ibig, ang kulay na red ang magpapainit pang lalo ng relasyon. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna!” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa anomang gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan wag kang susuko, darating ang araw yayaman ka rin. Sa pag-ibig, matapos mong sabihin sa kanya ang iyong nasa loob, positibong reaksyon ng kasuyo ang kasunod. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Silver at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ganyan talaga ang negosyo, taya lang nang taya ng puhunan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, wag mo nang tuklasin ang mga lihim ng kasuyo, kapag nalaman mo ikalulungkot mo pa ito. Mapalad ang 7, 16, 23, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag masyadong abusuhin ang sarili, baka magkasakit ka pa, mas malaking gastos ang kakaharapin. Sa pag-ibig, dahil ang lahat ay lilipas din, mamayang gabi, ipalasap sa minamahal ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 1, 8, 24, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pakikiumpok sa mga tao, panibagong pagkakaperahan ang matutuklasan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang iniisip mong lumayo sa lipunan. Gastos lang ang laging mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa pag-ibig, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal. Mapalad ang 8, 12, 16, 24, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Om”. Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ang pagiging pasugod at malakas ang loob, ang diskarteng iyan ang magpapaunlad ng kabuhayan hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig habang sunod lang ng sunod ang kasuyo, pagkakataon mo ng maranasan ang masarap na romansa at wagas na kaligayahan. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi dapat ubusuin agad-agad ang malaking halaga ng salapi na nahawakan. Itabi mo ang kalahati nito para sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang gagawin sa panahon ng Holiday Season. Mapalad ang 3, 9, 21, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit kumita nang kumita ng malaking halaga kung hindi ka magtitipid wala rin mangyayari. Unahing mag-savings, bago gumastos. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Green at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Matatapos na ang problema kung hindi na uulitin ang dating pagkakamali. Maging maingat sa pagpili ng kososyo upang hindi na uli malugi. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Gemini o kaya’y sa isang Libra na noon pa sa iyo naglalaway. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung magtutulungan kayo ng kasuyo mas mabilis kayong yayaman. Sa pag-iibig kumbinsehin ang kasuyo na sumang-ayon sa iyong mga kagustuhan at mga binabalak. Sabihin mo sa kanya, “Wag ka lang kokontra Mahal yayaman din tayo!” Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Green at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending