Paolo sinupalpal ang hater ni Kris: Nakamamatay ang inggit!

By Ervin Santiago August 11,2018
share this

Paolo sinupalpal ang hater ni Kris: Nakamamatay ang inggit!

By Ervin Santiago August 11,2018
share this

KRIS AQUINO AT PAOLO BALLESTEROS


Nakakuha ng bagong kakampi si Kris Aquino sa katauhan ng Make-up Transformation King na si Paolo Ballesteros. Talagang sinupalpal ng TV host-comedian ang basher na inokray ang partisipasyon ng Social Media Queen sa Hollywood movie na “Crazy Rich Asians.”

Comment ng hater sa Instagram photo ni Kris na kuha sa Hollywood event at ni-repost naman ni Paolo sa kanyang IG account, “Haha! sya ba ung nahagip sa camera kung mka pustura daig pa si Nora Aunor sa international gala.”

Resbak naman ni Paolo, “@agent_bench_ave nakakamatay ang inggit.”

Isa si Paolo sa mga local celebrities na sumuporta sa pagrampa ni Kris sa red carpet premiere ng “Crazy Rich Asians” na ginanap sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California.

Caption ni Paolo sa ni-repost na Instagram photo ni Kris suot ang kanyang Mi chael Leyva yellow gown, “#filipinopriderepresent! CONGRATS! @krisaquino in Yellow Classic Modern Filipiniana by @michaelleyva_ at the world premiere of #CrazyRichAsians in #hollywood.” – EAS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending