P6.1M shabu nakumpiska, 4 arestado sa Caloocan City

August 10,2018
share this

P6.1M shabu nakumpiska, 4 arestado sa Caloocan City

August 10,2018
share this

NAARESTO ng mga pulis ang apat na suspek at nakumpiska ang P6.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation sa Caloocan City, kaninang umaga.

Batay sa ulat mula sa Northern Police District, tumitimbang ang anim na sachet ng shabu ng 850 gramo.

Nakumpiska ang mga ito sa apat na tulak na nakilalang sina Peter at Philip Mamangon Espiritu, Lowie Lopez Bautista, at Reynaldo Lusterio Jr.

Nahuli ang mga suspek matapos ang isinagawang operasyon ganap na alas-3:30 ng umaga sa Libis Baesa, Barangay 160.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending