Goma binatikos ng mga basher dahil lang sa pagsakay sa jeep

By Alex Brosas August 10,2018
share this

Goma binatikos ng mga basher dahil lang sa pagsakay sa jeep

By Alex Brosas August 10,2018
share this

RICHARD GOMEZ

NA-BASH nang husto si Richard Gomez nang kumalat sa social media ang photo and video niya habang nakasakay ng jeep sa kanilang probinsiya.

Obviously, he was with his staff dahil naka-uniform ang kanyang mga kasama sa photo. With that, marami ang bumatikos sa actor-politician. They felt that it was all for a show.

“Imbis na hindi mainis sayo mga tao Richard, ay gumagawa ka ng ikaiinis sayo. Kailangan bang sabihin ko sayong hipokrito ka at plastic? Kailangan ba? Kung hindi, e bakit ipapakita mong sumasakay ka sa jip?”

“Pakitang tao lang yan. bat sasakay ng jeep e may sarili naman siyang sasakyan.”

“Sakay nga ng jeep sila sila lang din pasahero. Sumakay ka ng jeep mga ordinaryong tao kasama mo. Try mo lang bibilib talaga ako.”

‘Yan ang bash na inabot ng actor.

May kumampi naman kay Goma as one said, “Sana ganyan lahat ng mga nakaposition, ka simple, I salute u idol.”

“Isa sa mga paraan para malaman mo ang problema sa taong bayan. Ay makisalamuha ka sa kanila. So, sa akin maganda yong ginawa nya,” say ng isa pang supporter ni Goma.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending