Sharon hindi pwedeng magpa-meet & greet sa Araneta concert

By Jun Nardo August 10,2018
share this

Sharon hindi pwedeng magpa-meet & greet sa Araneta concert

By Jun Nardo August 10,2018
share this

SHARON CUNETA

ALIVE na alive ang local concert scene ngayong August at September.

Sa Aug. 18, si Anne Curtis ang magpapasiklab sa Araneta Coliseum para sa kanyang 21st anniversary concert na “Anne Kulit Promise Last Na ‘To.”

Kasunod niyang magpapaandar sa Big Dome ay si Ogie Acasid para naman sa kanyang 30th anniversary concert on Aug. 24. Kung waley si Vice Ganda sa concert ni Anne, aba, present naman siya sa konsiyerto ni Ogie, huh!

Isa nga si Sharon Cuneta sa nagpu-promote sa Instagram na tangkilikin ang concert ng kanyang kaibigan. Nataon ‘yon sa birthday ng asawang si Sen. Kiko Pangilian at kung hindi sila aalis ng bansa ng asawa ay manonood daw sila ng concert ni Ogie.

Sa Sept. 28 naman, ang Megastar ang magpapabongga sa Araneta para naman sa kanyang 40th anniversary concert, huh!

May nagtanong na netizen kay Shawie kung ‘yung bumili ng VIP tickets ay magkakaroon ng meet and greet after the concert.

Tugon ng Megastar, “Naku wala nga anak. Pag Araneta o malaking venue wala talaga di kaya.
15-20k na audience retired na kami sa showbiz di pa tapos mit en grit! Ha! Ha! Ha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending