Female celeb minalas noon pero nakabawi na ngayon

By Cristy Fermin August 10,2018
share this

Female celeb minalas noon pero nakabawi na ngayon

By Cristy Fermin August 10,2018
share this

KILALANG-KILALA siya pero taghirap nu’n ang isang magandang female personality. Halos lahat ng kinikita niya ay parang langis lang na dumudulas sa kanyang mga palad dahil agaran ding mawawala.

Halos maghapon at magdamag na siyang nagtatrabaho, wala na siyang pahinga, pero pag-uwi niya sa kanilang bahay ay ni wala man lang siyang matikmang kasiyahan.

Kuwento ng aming source, “Imagine, kung saan-saang malalayong probinsiya pa siya nagsu-shooting, pagod na siya sa pag-arte, e, pagpag pa ang katawan niya sa mahabang biyahe, pero pag-uwi niya, e, wala man lang siyang pakonsuwelo de bobong natitikman.

“Walang pagkain sa house nila, walang laman ang kanilang refrigerator, kahit anong makakain, e, wala talaga! Nakakaloka! Siya ang parang kalabaw na isinusuga sa katatrabaho, pero wala man lang siyang premyo sa mga ginagawa niyang sakripisyo!” simulang chika ng aming source.

Pagdating niya sa set ay agad na siyang magpapakuha ng food sa kanyang kasama-samang tita, gutom na gutom kasi siya, palaging ganu’n ang drama ng magandang aktres.

“Allowance basis lang kasi siya nu’n, lahat ng kinikita niya, e, ginegetlak ng mudra niya. Kasya lang na panggasolina papunta sa shooting ang iniiwanan sa kanya, kaya gusto man niyang magpabili ng food, kulang na kulang ang datung niya!

“Kaya palagi siyang lalamya-lamya, e! Paano nga, palagi siyang gutom, wala pang iniinom na vitamins, ang bagal-bagal tuloy niyang kumilos!

“Pero dahil mabuti siyang tao, nanay at kapatid, sinusuwerte siya sa buhay ngayon. Hindi na siya nagugutom, siya pa nga ang nagsi-share ng mga blessings ngayon sa mga kasamahan niya sa trabaho.

“Nasa mabubuting kamay kasi siya ngayon, nakatagpo siya ng taong magmamahal at magmamalasakit sa kanya, matagal na silang nagsasama at maligaya na ang female personality na walang tinapakang kahit sino sa buong buhay niya.

“Hindi na gumagapang ang kabuhayan showcase niya, may mga projects siya ngayon, maganda pa rin siya sa kabila ng pagdadagdag ng age niya.

“Hindi na parang pagong ang takbo ng buhay at career niya,” nakangiting kuwento ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, isinusubo na sa inyo ng source kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending