Uwian na, may nanalo na: Kris tinalbugan pa ang mga bumida sa ‘Crazy Rich Asians’

By Cristy Fermin August 10,2018
share this

Uwian na, may nanalo na: Kris tinalbugan pa ang mga bumida sa ‘Crazy Rich Asians’

By Cristy Fermin August 10,2018
share this

ANUMANG pintas at pagpuna ang sabihin ngayon ng mga bashers ni Kris Aquino ay wala nang magagawa ang mga ito, nakapang-agaw na ng atensiyon sa red carpet premiere ng pelikulang “Crazy Rich Asians” ang aktres-TV host, at kinabog pa niya sa pagrampa ang mga bumibida sa proyekto.

Tapos na ang laban, uwian na, nanalo na si Kris! Maraming kababayan nating matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika ang pansamantalang lumiban sa kanilang trabaho para lang mabigyan ng mainit na pag-welcome ang kanilang idolo.

Dapat sana’y hindi na lalapitan ni Kris ang ating mga kababayang humilera sa mismong tapat ng venue, pero nakiusap si Kris sa mga namamahala ng show, pinuntahan-kinawayan niya ang mga Pinoy na hapon pa lang ay nag-aabang na sa kanya.

“Nagpaalam talaga ako sa production security na lalapitan ko naman ang mga kababayan nating matiyagang naghihintay sa akin. I really appreciate their effort, may work sila, but they gave me support,” pahayag ni Kris Aquino.

At sabihin mang tatlo o limang minuto lang ang kanyang partisipasyon sa pelikula ay nagtagumpay pa rin ang aktres-TV host, pinatunayan niya na ibang klaseng magmahal ang mga Pinoy, siya ang parang lumabas na pinakabida sa “Crazy Rich Asians” kung ang magiging barometro ay ang init at ingay ng presensiya niya sa red carpet premiere night habang magkatabi sila ni Bimby.

Para-paraan lang ‘yan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending