Horoscope, August 10, 2018

By Madam Sophia August 10,2018
share this

Horoscope, August 10, 2018

By Madam Sophia August 10,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pagiging matuwid at may mabuting puso, tuloy-tuloy ang pag-asenso at tagumpay. Ngayong Agosto hanggang Disyembre kusa ng darami ang pera. Sa pag-ibig sa isang Sagittarius, makasusumpong ng masaya at masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Basta’t patuloy kang tumutulong at kumakalingan sa iyong kapwa, tuloy-tuloy kang pagpapalain ng tadhana, ang dating materyal na bagay na hawak mo na sa kasalukuyan ay lalo pang madadagdagan. Sa pag-ibig napili ka ng langit upang bigyan ng gantimpala, isang masaya at masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Certum-Est-Om.” Beige at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang samaan ng loob ang magtutulak palayo sa salapi. Manatiling mahinahon upang patuloy na pumasok ang pera at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, unawaing lagi ang kasuyo sa kanyang pagkukulang at pagiing topakin upang manatiling buo ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 13, 23, 39, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om”. Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ngayon pa lang pag-handaan na ang kapaskuhan. Magtipid! Sa pag-ibig at pinansyal, ngayon pa lang paunti-unti ng bumili na ng mga ipangre-regalo sa panahon ng kapaskuhan, para pagdating ng Holiday Season konti na lang ang gagastusin mo. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi magawang tanggihan ang pang-aabala ng mga kaibigan, kailangang pagkaperahan mo sila. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na relasyon sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Enero. Mapalad ang 8, 15, 19, 23, 29, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Walang mangyayari sa tsismis at kape-facebook, iukol ang oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Ngayon pa lang mag-isip ng negosyong maaaaring maging click at papatok sa nalalapit na kapaskuhan.Sa pag-ibig malaki ang maitutulong ng kasuyo upang lalo pang umangat at umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 7, 19, 23, 34, 40 at 47. “Aum-Minna-Aum-Galla.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mag-ingat sa isang Leo, may babala na racketin at lokohin ka na naman niya. Hanapin ang isang Libra na sobrang sarap romomansa at magmahal. Samantala, hindi naman dapat na sumawsaw sa isang relasyong immoral. Mapalad ang 5, 16, 23, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viribus-Candor.” Gray at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Venus ang planeta ng Libra. Ibig sabihin lagi ka lang magpa-ganda at magpa-sexy, kapag ganyan ka susuwertehin ka na, kaya’t dapat lang ituloy ang plano na pagsu-zumba. Sa pag-ibig, ang pagpapa-sexy pa rin ang susi upang lalo pang sumarap ang pagtatalik. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Mahatha-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerte ang darating. Sa sandaling sumapit ang buwan ng Setyembre mas maraming biyaya na hindi inaasahan ang matatanggap. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ipatupad na ang “Operation Malawakang Pagtitipid” upang mas madali kang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, habang patuloy na sumusunod sa iyo ang kasuyo at hindi nagrerebelde lalo namang uunlad at aangat ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Kapag maliit ang kumot matuto munang mamaluktot.” Yellow at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang ibang maasahan ang mga mahal sa buhay kundi ikaw. Maluwag sa loob na tumulong at magbigay. Sa pag-ibig, balanseng pagtingin ang dapat sa kasuyo at sa iyong mga kadugo, para walang away at maiwasan na rin ang intriga. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Maroon at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, hanapin ang mga dating kaibigan at sa kanila ka humingi ng advice. Kusang lalago ang kita kung muli kang lalabas ng bahay at makikiumpok sa mga gawaing may kaugnayan sa politika. Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, isang Capricorn ang magpapautang ng malaking halaga. Sa pag-ibig, magiging magulo na naman ang relasyon dahil sa problemang pang-pinansyal, dagdag na panalangin at maghanap uli ng bagong mauutangan ang dapat. Mapalad ang 4, 15, 23, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Om-Githa.” Silver at magenta ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending