Arci umaming love na love si Piolo: Pero ayaw ko siyang dyowain kasi…

August 09,2018
share this

Arci umaming love na love si Piolo: Pero ayaw ko siyang dyowain kasi…

August 09,2018
share this

UMAMIN si Arci Muñoz na love na love niya ang kanyang leading man sa Kapamilya series na Since I Found You na si Piolo Pascual. Sa lahat ng kanyang mga nakatambal sa serye at pelikula si Papa P raw ang talagang naging close sa kanya.

Tinanong namin si Arci sa nakaraang farewell thanksgiving presscon ng Since I Found You kung na-in love ba siya kay Papa P habang ginagawa nila ang kanilang primetime serye.

“Love ko talaga si Papa P, e. I love him. I love his heart. I love him as a person,” ani Arci.

Ayon pa sa dalaga, mas nakilala pa niya si Piolo ngayon at mas humanga sa kabaitan nito. One of the boys din ang trato sa kanya ng Kapamilya actor kaya mas naa-appreciate ni Arci ang pagiging caring nito sa kanya.

“Si Papa P lang nakaka-hang out ko, e. Siya lang yung artista na, ‘Papa P, sa’n ka? Sama! Gimik!’ Ganyan. Tsaka ang galing. Nu’ng nasa Hawaii kami (para sa ASAP), alam niya na may pagka-loner ako.

“So siya pa yung nagtse-check sa akin, ‘Hoy, Mons! Tara dito ka. Sumama ka sa amin.’ Kasi nga alam niya na lagi akong mag-isa. Tapos itse-check niya ako. ‘Halika, kumain ka na. Sumama ka sa amin. Ime-message niya ako.

“Inaalagaan niya ako. Sobra kong na-appreciate. Kaya love na love ko talaga siya,” sabi pa ng aktres,” kuwento pa ng Since I Found You lead star.

Sundot na tanong namin kung inisip ba niya na sana si Piolo na lang ang boyfriend niya?

“May girlfriend ba si Papa P ngayon? Parang huwag na lang. E, kasi pag naging girlfriend niya ako, pag nag-break kami, hindi kami okay.”

Dugtong pa ni Arci, “Mahirap! Ayoko ng showbiz dyowa! Mamaya pag nakasalubong mo, magkakailangan, ayoko. I’ll keep him as my very good friend.”

Ngayon daw mas naintindihan niya kung bakit until now ay sikat pa rin ang aktor at marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Isang patunay daw ay nang mag-mall show ang cast ng Since I Found You.

“Minsan nakatitig lang ako, ganyan. Nag-iisip ako, ‘Grabe itong tao na ‘to, ‘no? Naabot niya yung ganitong klaseng level.’ Naisip niya yun na siya yung pupunta sa tao. Tapos kami, ‘Parang nakakahiya naman. Halika, sumama tayo. Bakit si Papa P nandu’n?’

“Grabe, iba, e. Genuine talaga yung ginagawa niya, galing sa puso,” sey pa ng aktres.

q q q

Pinatunayan nina Dani (Arci) at Nathan (Piolo) na walang pagsubok ang makapipigil sa dalawang taong nagmamahalan ngayong nakatakda nang maganap ang inaabangan nilang pag-iisang dibdib sa finale episode ng Since I Found You.

Isang matamis na kwento ng second chance ang pagmamahalan nina Nathan at Dani dahil sa kabila ng mga pagsubok, humantong pa rin sila sa altar.

Bukod sa second chance ng pagmamahalan ng dalawa, panibagong pagkakataon din ang ibibigay sa ina ni Nathan na si Elvie (Charo Santos) ngayong si Dani na mismo ang kusang gagawa ng paraan upang masiguro ang pagkakaayos ng mag-ina.

Oportunidad naman para umibig muli ang patuloy na hinahanap ni Janice (Alessandra de Rossi) ngayong unti-unti na siyang nahuhulog kay James (Empoy).

Samantala, bagong pag-asa rin ang makukuha ni Ginno (JC de Vera) dahil matapos ang aksidenteng halos kumitil sa kanya, mahahanap pa rin ni Nathan sa puso niya ang pagpapatawad.

Habang papalapit na ang pagwawakas ng serye, hindi pa rin bumibitiw ang viewers sa kwento ng Since I Found You. Kasama rin sa serye sina Michael de Mesa, Carmi Martin, Joey Marquez, John Lapus, Moi Marcampo, Isabel Oli-Prats, at Cholo Barretto.

Tutukan ang ending ng Since I Found You sa Primetime Bida sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending