Voluntary member covered pa ba ng Philhealth?

By Liza Soriano August 08,2018
share this

Voluntary member covered pa ba ng Philhealth?

By Liza Soriano August 08,2018
share this

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan. Batid ko na marami po kayong natutulungan kaya nga hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit pa at magbakasakali na magtanong. Ito po ay tungkol sa status ng aking Philhealth. Medyo may edad na rin po ako ng makapag-asawa pero bago po ako nag-asawa ay vo-luntary member na ako ng Philhealth.Ano po ba ang dapat kung gamitin na Philhealth, yung sa asawa ko, na ako ang benificiary niya o yung dati na po bilang voluntary member? Sana po ay masagot ninyo ang aking katanungan
Maraming salamat po.
Jenny Bedes

REPLY: Nauunawaan po namin ang inyong concern.

Samantala, upang maberipika po namin ang inyong katanungan tungkol sa status ng inyong membership, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:

• Kumpletong Middle Name
• Araw ng Kapa-nganakan
• Kumpletong Tirahan

Samantala, para po sa inyong katanungan, nais ko pong ipabatid na ang PhilHealth ay nagtalaga ng kondisyon upang ang isang miyembro ay magamit ang mga benepisyong binabayaran ng aming opisina. Sa pagpapatupad ng sufficient regularity, para makapag-avail kayo ng benepisyo sa philhealth ay kakailanganin na mayroong tatlong (3) buwan na qualified contributions sa loob ng anim (6) na buwan bago ang availment. Ito ay upang mabigyang daan ang mga miyembro na makapag-comply pa sa prescribed sufficient regularity ruling sa darating na October 2018 alinsunod sa Circular 21 of 2017 kung saan kinakailangang may siyam (9) na buwang hulog sa loob ng labindalawang (12) buwan bago ang unang araw ng confinement.

Ibig sabihin lamang po, ang isang miyembro o kanyang dependent na magkakaroon o nagkaroon ng confinement hanggang September 31, 2018 ay kinakailangan na mayroong at least three (3) months of qualifying contributions sa loob ng immediate six (6) months bago ang unang araw ng admission. Subalit, ang anumang confinement simula October 31, 2018 ay nagre-require na ang isang miyembro ay mayroong at least nine (9) months / three (3) quarters of qualifying contributions sa loob ng immediate twelve (12) months bago ang unang araw ng admission upang maging eligible sa availment ng PhilHealth benefits.

Ibig sabihin lamang po, kung kayo ay mayroong sariling membership bago kayo nag-asawa, kinakailangan na aktibo po ito at kayo ay walang na-missed na premium contributions upang magamit ang inyong PhilHealth be-nefits para sa inyong future availments. Subalit, kung kayo ay naging inactive na, mayroong dalawag (2) option kayo na maaaring sundin:

• Ipagpatuloy ang pagiging aktibo ng inyong membership bilang isang informal / voluntary member at magbayad ng inyong premium contributions proactively

• Ideklara ng inyong asawa bilang kanyang dependent, kung sya ay kasalukuyang active member at mayroong qualifying contributions

Subalit, paalala lamang po na ang pagde-deklara po ng dependent ay hindi po otomatikong ginagawa ng aming opisina maliban na lamang kung ang indibdwal na ide-deklara ng isang active member ay nasa qualifications na itinalaga ng aming opisina. Ito ay ang mga sumusunod:

• Lehitimong asawa na hindi miyembro o hindi na aktibong miyembro ng PhilHealth

• Lehitimong anak o mga anak, stepchildren, hindi lehitimo o adopted na mga anak na may edad na dalawampu’t isang taong gulang pababa at walang trabaho at hindi kasal

• Lehitimong anak o mga anak, stepchildren, hindi lehitimo o adopted na mga anak na may edad na dalawampu’t isang taong gulang pataas, walang trabaho at hindi kasal na may permanenteng kapansanan

• Mga magulang na may edad animnapu (60) pababa na may permanenteng kapansanan

Kung kayo po ay mayroon ng membership at u-pang kayo ay mai-deklara ng inyong asawa bilang kanyang dependent, kakailanganin po ninyong iproseso ang deactivation ng inyong account sa pamamagitan ng pagbisita sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) na malapit sa inyo at isumite ang mga sumusunod na required documents:

• Letter of Request / Intent Letter indicating the reason for account deactivation
• Marriage Certificate with registry number
• At least two (2) valid IDs as proof of identification

Kung ang inyong mga anak ay nakadeklara din po sa inyo bilang inyong dependent at nais na i-transfer ang dependency nila sa inyong asawa, isumite lamang din po ang mga sumusunod:

• Letter of Consent agreed upon two (2) persons involved
• Birth Certificates with registry number of your children

Matapos na maproseso ang deactivation ng inyong account at upang mai-pro-seso ang updating ng record ng inyong asawa upang maideklara kayo bilang in-yong dependent, maari po ninyong sundin ang alinman sa mga sumusunod:

1. Sa pamamagitan ng pagbisita sa alinmang Local Health Insurance Office (LHIO) o PhilHealth Express offices na malapit sa inyo.

• Maaring gawin ng personal
• Maaring gawin ng isa sa inyong mga napiling representative

Sundin lamang ang mga sumusunod:

• Magdowload lamang ng dalawang (2) kopya ng PhilHealth Member Registration Form.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending