Regine: Iba ang feeling pag ikinasal ka na sa taong mahal mo! | Bandera

Regine: Iba ang feeling pag ikinasal ka na sa taong mahal mo!

Jun Nardo |August 08,2018
facebook
share this

Regine: Iba ang feeling pag ikinasal ka na sa taong mahal mo!

Jun Nardo - August 08, 2018 - 12:25 AM

REGINE VELASQUEZ

HAPPY wife and happy mother ang peg ni Regine Velasquez. Sa nakaraang episode ng Sarap Diva, nag-share ang Songbird tungkol sa kanyang personal experience bilang nanay at asawa.

“Ang sarap ng may asawa. You wake up every morning with your bestfriend. That’s how I see it,” aniya habang nakikipagchikahan sa guest niyang si Kylie Padilla na isa ring happy wide and mom.

Sabi pa ni Regine iba ang feeling kapag ikinasal ka na sa taong mahal mo, “Iba ‘yung magkasama lang kayo sa kasal na kayo.”

Inamin ni Regine na nagsama sila ni Ogie Alcasid sa isang bubong bago sila ikasal, pero para sa kanila mas na-appreciate nila ang kanilang pagsasama after ng wedding .

“Kami nagsama din naman kami ni Ogie ng medyo matagal tagal din. Noong ikinasal kami iba talaga ‘yung feeling, it’s wonderful to be married.”

Habang tumatagal ay mas lalo pang tumitibay ang relasyon nina Regine at Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending