Mr. Personality balik-Illegal activity

By Den Macaranas August 03,2018
share this

Mr. Personality balik-Illegal activity

By Den Macaranas August 03,2018
share this

MAKARAANG lumamig ang kampanya ng PNP kaugnay sa mga personalidad na sangkot sa pagtutulak ng droga ay balik na naman sa kanyang bad habit ang isang sikat na personality.

Doble kayod ang ating bida dahil kasama na niya sa iisang bubong ang kanyang boyfriend.

Si Mr. Personality ang sinasabing bumubuhay pati sa pamilya ng kanyang BF na noong una ay inakala niyang mas mayaman sa kanya.

Sinabi ng ating Cricket na wala ng magawa ang ating bida dahil love naman niyang talaga ang kanyang karelasyon.

At sa puntong ito ay medyo malaki na rin ang kanyang naging puhunan sa kanyang kalive-in na kapwa rin niya lalaki.

Ang bida sa kwento natin ngayong araw ay matagal nang naglantad ng kanyang pagkatao sa publiko na ngayon ay hindi naman na isyu lalo na sa entertainment industry.

Anyway, ang problema ay balik diumano sa pagbebenta ng party drugs ang ating bida makaraan ang ilan buwang pagpapalamig.

Wala na raw kasing kumukuha sa kanyang serbisyo at bagsak na rin ang kanyang mga negosyo tulad ng ilang gimikan na madalas puntahan ng showbiz people.

Dati na siyang pinagsabihan ng kanyang mga kaibigan na tigilan na ang kanyang bad habit pero binalikan na naman niya ito.

Dati na rin nating naisulat na nagtago siya ng isang linggo sa bahay ng kanyang kaibigang bigtime na nakatira sa isang mamahaling village sa Makati City dahil sa takot na baka siya dakmain ng mga pulis.

Sinabi ng ating Cricket na kailangan niyang balikan ang kanyang bad business para masustain ang marangya nilang pamumuhay.

Ang personalidad na balik sa pagtutulak ng party drugs ay si Mr. T….as in Tulak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending