11 preso na pumuga sa Bacoor jail naaresto na | Bandera

11 preso na pumuga sa Bacoor jail naaresto na

|July 29,2018
facebook
share this

11 preso na pumuga sa Bacoor jail naaresto na

- July 29, 2018 - 04:41 PM

NAARESTO na ang 11 pumugang preso matapos ang nangyaring jail break sa Bacoor Custodial Center noong Biyernes.

Sinabi ni Bacoor police chief Supt. Vicente Cabatingan na nagpapatuloy ang operasyon para mahanap ang 12 iba pang tumakas na preso.

Idinagdag ni Cabatingan na kaninang umaga, may mga preso nang nagpaabot ng mensahe sa kahandaan nilang sumuko sa pulisya.

Ani Cabatingan, naaresto ang mga takas sa kanilang mga bahay o sa tulong ng lokal na otoridad sa Cavite City.

“’Yung iba, inabutan natin sa bahay, hindi pa nakakaalis sa bahay nila,” sabi ni Cabatingan sa isang panayam sa DZBB.

“Yung iba naman, talaga ay sa tulong na ng kabarangay natin sa Bacoor and even sa nearby cities at municipalities dito sa Cavite City po,” ayon pa kay Cabatingan.

Kakasuhan ang 23 pumugang preso ng panibagong kaso sakaling maibalik na sa kulungan.

Sinibak na rin ang walong jail guard ng Bacoor jail matapos ang pagpuga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending