Liza puring-puri ng veteran stars at mga ekstra sa serye | Bandera

Liza puring-puri ng veteran stars at mga ekstra sa serye

Cristy Fermin |July 22,2018
facebook
share this

Liza puring-puri ng veteran stars at mga ekstra sa serye

Cristy Fermin - July 22, 2018 - 12:05 AM

NAKATUTUWANG makarinig ng mga kuwentong positibo tungkol sa mga artista.

Kakaiba kasi ‘yun kumpara sa mga kuwento ng kaangasan at kamalditahan lalo na ng mga personalidad na wala pa namang napatutunayan.

Si Liza Soberano ang puring-puri ng mga kasamahan-katrabaho niya.

Beterana man o kaedad lang niya ang hingan mo ng mga pahayag tungkol sa magandang young actress ay puro papuri ang maririnig mo.

Pinupuri ng mga veteran stars ang young actress dahil hindi raw siya mabubutasan ng kahit anong kapintasan. Dumarating siyang nakangiti kahit puyat na puyat, bumabati sa kanyang mga katrabaho, walang pag-iinarte.

Kuwento ng isang ilang beses nang nakakatrabaho ni Liza sa paggawa ng TVC, “Mas gumaganda pa siya dahil maganda ang attitude ng batang ‘yun. Napakaganda niya, matalino, pero sobrang simple niya at marespeto.

“Kuwento nga ng mga nakakatrabaho rin naming sikat na personalities, e, wala raw kayabangan si Liza. Siya ang bida sa serye, pero siya pa ang lumalapit kahit sa mga lesser stars para batiin niya.

“Kung nirerespeto niya ang mga beteranong artista, e, ganu’ng pagrespeto rin ang ibinibigay niya sa mga ka-age niya. Saka mabait siya sa mga talents (extra), puring-puri talaga siya,” kuwento ng aming source.

Lumaki sa Amerika si Liza Soberano. Dapat sana’y western na western ang kanyang ugali. Pero hindi, ayon sa aming mga nakakausap, Pinoy na Pinoy ang kulturang meron ang magandang young actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending