Mapormang hunk actor buking na ang 'modus' sa panggagamit ng mga babae | Bandera

Mapormang hunk actor buking na ang ‘modus’ sa panggagamit ng mga babae

Cristy Fermin |July 22,2018
facebook
share this

Mapormang hunk actor buking na ang ‘modus’ sa panggagamit ng mga babae

Cristy Fermin - July 22, 2018 - 12:15 AM

MGA artista mismo ang nagsasabi na ang pinakamakasalanang bahagi ng kanilang trabaho ay kapag breaktime na nila. Sa kanilang pag-iipon-ipon habang nagkukuwentuhan lumulutang ang mga kuwentong lihim na lihim sa publiko.

‘Yun ang panahon para sa mga blind items dahil hindi nga puwedeng pangalanan ang mga personalidad na sangkot sa istorya.

Kuwento ng aming source, “Du’n napagkuwentuhan ang isang hunk actor na hindi naman daw totoong user, pero mapaglambing lang sa kanyang karelasyon.

“Hindi nga siya matatawag na use me in a sentence, pero naman, napakagaling niyang maglambing sa girlfriend niya, kaya nakukuha rin ng hunk actor ang kanyang gusto.

“Sa pakikipagrelasyon niya sa mga kilalang artista, ang palaging issue tungkol sa kanya, e, sobrang user daw siya. Idinedenay siyempre ‘yun ng guy, hindi raw siya ganu’n kahit kailan.

“Pero may kakaibang atake nga siya kapag may gusto, kumpleto siya sa props, sa totoo lang,” simulang chika ng aming impormante.

Palaging in na in sa kung ano ang uso ang hunk actor, hindi siya nagpapahuli sa mga new arrivals, kailangang meron siya nu’n para makaporma siya.

“Mahilig siyang mangolekta ng mga magazines, alam niya kung ano ang uso at kung saan ‘yun mabibili. Natural, imported ang stuff, ioorder pa sa ibang bansa kapag wala pa dito sa atin.

“Hindi siya user, ha? Pero palagi niyang ipinakikita ang picture ng gamit na gusto niya sa girlfriend niya. Paulit-ulit talaga niyang sinasabi na gusto niyang magkaroon ng ganu’n.

“Siyempre naman, dahil love na love siya ng girl, bibilhin na lang niya ang pinapangarap na kagamitan ng guy. Ganu’n ang drama niya, complete with pictures ang paglalambing niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Inuulit ko, hindi siya user, ha? Hindi siya manggagamit, hindi siya ipinaglihi sa manggang hinog, hindi! Kahit itanong n’yo pa sa dalawang female personality na naging girlfriend niya!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, gusto n’yo bang magpunta sa Brazil?” pagtatapos na chika ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending