Kuwaiti celebrity na nambastos sa mga OFW tinarayan ni Jake | Bandera

Kuwaiti celebrity na nambastos sa mga OFW tinarayan ni Jake

Ervin Santiago |July 22,2018
facebook
share this

Kuwaiti celebrity na nambastos sa mga OFW tinarayan ni Jake

Ervin Santiago - July 22, 2018 - 12:25 AM

ISA si Jake Ejercito sa maraming Pinoy na na-bad trip sa panlalait at pambabastos ng Kuwaiti celebrity at social media influencer na si Sondos Alqattan sa mga OFW.

Nag-viral ang video ng Kuwaiti national kung saan mapapanood ang pagrereklamo nito sa ipinatupad na batas sa Kuwait kung saan binibigyan ang mga Filipino workers doon ng isang day-off (sa isang linggo) at ang karapatang itago ang kanilang passport.

Bukod dito, buong-ningning ding tinawag na alipin ni Sondos ang mga OFW partikular na ang mga kasambahay.

Hindi nakapagpigil ang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada ang magalit kay Sondos at nag-tweet ng, “Perhaps @Sondos_q should eat her makeup, so she’d be decent on the inside too.”
Kilala rin kasi ang Kuwaiti celebrity sa kanyang make-up tutorial videos sa internet.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Sondos sa mga Pinoy netizen, hinamon pa nila itong mag-issue ng public apology para sa mga nilait niyang OFW kasabay ng panawagan na i-boycott ang mga proyekto nito.

Sa kasalukuyan, nag-restrict na ng kanyang social media accounts ang Kuwaiti celebrity, hindi na nito siguro nakayanan ang pagresbak sa kanya ng mga galit na galit na Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending