Mariel may pinagselosang female celebrity na nasa morning show

By Ervin Santiago July 22,2018
share this

Mariel may pinagselosang female celebrity na nasa morning show

By Ervin Santiago July 22,2018
share this

INAMIN ni Mariel Rodriguez sa Tonight With Boy Abunda na ayaw na siyang buntisin ni Robin Padilla. Nag-aalala raw kasi ang action star na malagay uli sa peligro ang kanyang buhay.

“Kasi it was really difficult for me to maintain my pregnancy. Nakita niya yung hirap so parang he doesn’t want me to go through that again. Pero ako gusto ko pa,” chika ni Mariel.

Pero hirit ni Mariel, “Malalaman natin, Tito Boy (Abunda), kung sino ang masusunod. Not anytime soon, siguro when Isabella’s mga three ganyan. Pero hindi pa alam ng asawa ko. I’m still working on it.”

Diretso ring inamin ni Mariel na nagseselos pa rin siya, “Wala namang ginagawa si Robin, ang sama ko naman kung magselos pa ako. Pero merong time na parang, ‘Ay naglalandian ba ‘tong mga ‘to?’”

“Nakakahiya naman sabihin kasi married yung girl. Saka nasa morning show siya,” natatawang sabi ng Showtime host.

Dagdag pa ni Mariel, dahil din daw sa babaeng ito, kaya nasabihan niya si Binoe ng, “‘Kanina mo pa nilalandi si ano ha.’ Sabi niya, ‘Hindi ko nilalandi yun no,’ tapos parang walang nangyari nanuod kami ulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending