‘Mangarap Ka, Laban Pa’ ng The Clash patok sa Pinoy | Bandera

‘Mangarap Ka, Laban Pa’ ng The Clash patok sa Pinoy

|July 22,2018
facebook
share this

‘Mangarap Ka, Laban Pa’ ng The Clash patok sa Pinoy

- July 22, 2018 - 12:40 AM

PARAMI nang parami ang mga manunuod na tumututok sa pinakabagong singing competition ng GMA, ang The Clash.

Bukod sa intense na labanan ng mga clashers, nagustuhan ng viewers ang theme song ng programa na pinamagatang “Mangarap Ka, Laban Pa” na kinanta at kinompose ng Filipino singer, rapper at songwriter na si Quest.

Agad na pumatok sa avid viewers ng The Clash ang kantang ito na mayroon nang halos 18,000 views sa official YouTube channel ng The Clash matapos itong i-upload.

Samantala ngayong Linggo, hinihintay pa rin ng natitirang contestants ang kanilang kapalaran ngayong nabawasan na nga ang bilang ng Clashers matapos ang intense One-on-One battles.

Hindi alam ng natitirang Clashers kung kailan sila matatawag para lumaban o kung sino ang makakalaban nila sa The Clash Arena. Sa pagliit ng kanilang tyansang makapasok sa susunod na round ay ang mas tumitinding pressure para sa kanilang performance.

Sa patindi pa nang patinding labanan, sino kaya sa natitirang clashers ang mabibigyan ng pagkakataong makapasok sa next round ng kumpetisyon?

Sino kaya ang makakakuha ng boto nina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Asia’s Nightingale Lani Misalucha, yan ang abangan tonight sa The Clash hosted by Regine Velasquez?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending