Pagpapa-selfie ni Mega kay Bong Go may motibo? | Bandera

Pagpapa-selfie ni Mega kay Bong Go may motibo?

Julie Bonifacio |July 22,2018
facebook
share this

Pagpapa-selfie ni Mega kay Bong Go may motibo?

Julie Bonifacio - July 22, 2018 - 12:40 AM

KALAT na ngayon sa social media ang picture ni Megastar Sharon Cuneta na nagpapa-selfie kay Special Assitant to the President Bong Go sa isang event. Hati ang reaksyon ng netizens about it.

Naaliw ang iba dahil ang Megastar mismo ang nagpa-selfie sa “Selfie King.” Pero may nang-iintriga na hindi naman talaga si Bong Go ang target ni Mega kundi ang pagsipsip daw kay Presidente Rodrigo Duterte.

Tatakbo raw kasing Mayor sa Pasay ang isang kapatid ni Ate Shawie kaya gusto niya ng endorsement ni Digong. Ganern?

But how true na hate raw ni Sen. Kiko Pangilinan ang pangulo? At may netizens na sumusulsol kay Kiko na kumampi na kasi kay Duterte dahil ang mismong ipinagtatanggol niya na Commission on Human Rights ay tipong wala na ring “K” na bumatikos sa Pangulo dahil sa isyung kinasasangkutan ng ahensiya sa CoA.

Nasa hot water diumano ang CHR pagkatapos kuwestiyunin ng CoA ang mahigit kumulang P3.6 million worth of unliquidated cash advances sa ahensya noong 2017 at P5.4 million spent on trainings and seminars sa mga sosyal na hotel.

Na-audit daw ang P1.066 million worth of unliquidated cash advances from employees and P2.565 million from special disbursing officers. ‘Yung cash advance raw ay ginamit sa mga byahe either sa loob ng bansa or sa abroad. May mga seminar and workshop pa raw na ginawa sa mga hotel kung saan ang participants ay naka-book instead na gawin na lang sa function rooms.

q q q

May rapport naman pala on screen ang newlywed couple na sina Billy Crawford and Coleen Garcia. ‘Yan ang nakita namin sa kauna-unahan nilang pagtatambal sa longest drama anthology on TV, ang Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN last Saturday.

Sinadya man o hindi nina Billy at Coleen na umiwas na gumawa ng proyekto na magkasama sila noon, mukhang ‘di nila kinayang tanggihan ang kwento ng pag-ibig nina Allan at Remy na tampok sa last episode ng MMK na sinulat ni Akeem del Rosario at sa direksyon ni Mervyn Brondial.

Nabuo ang pag-iibigan nina Billy at Coleen sa noontime show na It’s Showtime sa Kapamilya network hanggang sila ay ikasal last April. Nawala sa It’s ’Showtime si Coleen habang nanatili naman sa programa si Billy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But lately, hindi na napapanood si Billy sa noontime show. Hopefully, wala naman sigurong isyu between him sa sinuman sa kanyang mga kapwa host sa programa.

Nakasama nina Billy at Coleen sa una nilang MMK episode sina Junjun Quintana, Almira Muhlach, Jennifer Mendoza, Kyra Custodio, Alora Sasam, Bing Davao at Karl Gabriel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending