Kakai dedma sa bashers, mas mahalaga ang trabaho, pera | Bandera

Kakai dedma sa bashers, mas mahalaga ang trabaho, pera

|July 21,2018
facebook
share this

Kakai dedma sa bashers, mas mahalaga ang trabaho, pera

- July 21, 2018 - 12:25 AM

DIRETSONG sinabi ni Kakai Bautista na tinanggap niya ang pelikulang “Harry And Patty” kasama si Ahron Villena dahil kailangan niya ng pera.

Sabi ng komedyana, nahirapan siyang mag-decide kung tatanggapin ba niya ang proyekto dahil alam niyang maba-bash na naman siya dahil nga sa controversial past nila ng leading man niyang si Ahron.

“Alam n’yo naman kung ano ang tingin nila sa akin, di ba? Assumera. Feelingera. Kung anu-ano pa. Pinost ko nga sa Instagram na ilang beses kong pinag-isipan bago ako umoo sa project na ‘to, kasi nga sobrang natatakot ako. Kasi alam n’yo naman, sikat na sikat ako sa mga pangba-bash, ganyan and everything lalo na pag tungkol sa aming dalawa.”

Dugtong niya, “Tapos, naisip ko, kailangan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin.

“Maa-achieve ko rin ‘yun in time, in God’s perfect time. Naisip ko ‘yun, so sabi ko, ‘di bale na lang, kahit anon’g sabihin ng mga tao, keri na ‘to, go-go ko na ‘to.’”

Ang “Harry And Patty” ay mula sa Cineko Productions at iri-release ng Star Cinema mula sa direksynon ni Julius Ruslin Alfonso na siya ring nagdirek ng award-winning film na “Deadma Walking”.

Showing na ito sa Aug. 1 sa mga sinehan nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending