Winwyn kay Vhong: Sobrang maalaga, he’s humble!

July 21,2018
share this

Winwyn kay Vhong: Sobrang maalaga, he’s humble!

July 21,2018
share this

HINDI pa rin makapaniwala si Miss Reina Hispanoamericana Winwyn Marquez na bibida na siya sa isang pelikula at katambal pa ang Comedy Prince na si Vhong Navarro. Ang tinutukoy niya ay ang “Unli Life” under Regal Films.

“Sobrang surreal pakinggan na leading lady na ako ni Vhong. Sa sobrang surreal hindi pa rin ako makapaniwala so siguro when I see myself onscreen dun pa lang mag-si-sink in lahat. I have no details about it yet pero soon lalabas na siya,” ang pahayag ni Winwyn sa isang panayam.

Memorable rin para sa beauty queen ang nasabing pelikula dahil first time niyang makakatrabaho ang amang si Joey Marquez.

Puring-puri rin niya si Vhong bilang leading man, “Sobrang maalaga niya. Everyone on the set as in pantay-pantay yung tingin niya. Napaka-humble na tao at sobrang galing.”

Ang “Unli Life” ay official entry ng Regal Films sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino na magsisimula na sa Aug. 15 at tatagal hanggang Aug. 21.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending