Bibida sa MMK: Billy iniwan si Coleen matapos anakan

July 21,2018
share this

Bibida sa MMK: Billy iniwan si Coleen matapos anakan

July 21,2018
share this

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

SA kauna-unahang pagkakataon, matatambal sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ang mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Gagampanan nila ang mga karakter nina Remy at Allan na nagkainlaban at nangarap magkaroon ng sariling pamilya at magandang buhay.

Bilang isang ampon, bata pa lang ay pinangarap na ni Remy ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Nakilala niya ang kanyang first love na si Allan habang nagtatrabaho sa isang bakery.

Mabait at masipag din ang binata na marami ring pangarap sa buhay kaya nagsisikap makatapos ng kolehiyo.

Naging magkarelasyon ang dalawa hanggang sa mabuntis nga ni Allan si Remy. Inakala ng dalaga na pakakasalan at magsasama sila ng lalaking pinakamamahal niya ngunit nagkamali siya – nakiusap si Allan na ipalaglag niya ang bata dahil hindi pa siya handang maging tatay.

Tutol man ang kanyang damdamin, ginawa pa rin niya ang nais ng kanyang boyfriend dahil sa sobrang pagmamahal niya rito. Ilang taon ang lumipas, nabuntis uli ni Allan ni Remy at sa pagkakataong ito, pinanindigan na ng binata ang bata. Tumigil siya pag-aaral at nagtrabaho sa isang factory para buhayin ang kanyang mag-ina.

Nangako siya kay Remy na bibigyan niya ng magandang kinabukasan ang anak ngunit isang araw ay bigla na lang iiwan ni Allan ang kanyang mag-ina para hanapin ang kanyang sarili at para takasan na rin ang kanyang responsilibidad.

Inakala ni Remy na tuluyan nang masisira ang kanyang buhay sa pag-alis ni Allan ngunit biglang magbabago ang takbo ng kanyang kapalaran sa pagdating ni Nathan sa kanyang buhay.

Ito ang tatayong ama ng anak nila ni Allan.

Ngunit ano ang gagawin ni Remy kapag biglang bumalik si Allan para sabihing handa na siyang mahalin siya uli at gampanan ang obligasyon sa kanilang mag-ina? Sino ang pipiliin niyang pakasalan – ang lalaking nang-iwan sa kanya o ang taong nagpahalaga at nagmahal sa kanya noong panahong bagsak na bagsak siya?

Makakasama nina Coleen at Billy sa MMK episode na ito sina Junjun Quintana, Almira Muhlach, Jennifer Mendoza, Kyra Custodio, Alora Sasam, Bing Davao at Karl Gabriel sa panulat ni Akeem Jordan del Rosario at sa direksyon ni Mervyn Brondial.

Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado, pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN, hosted by Charo Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending