Juliana Segovia kinilabutan nang makausap si Susan Roces | Bandera

Juliana Segovia kinilabutan nang makausap si Susan Roces

Ervin Santiago |July 20,2018
facebook
share this

Juliana Segovia kinilabutan nang makausap si Susan Roces

Ervin Santiago - July 20, 2018 - 12:55 AM

JULIANA SEGOVIA AT SUSAN ROCES

Hindi maipaliwanag ni Miss Q&A grand winner Juliana Parizcova-Segovia ang kanyang naramdaman nang makita at makausap nang personal ang movie queen na si Ms. Susan Roces sa taping ng Ang Probinsyano.

Isa si Juliana sa mga bagong karakter na papasok sa serye ni Coco Martin at kamakailan nga ay nakasama niya sa location si Ms. Susan.

Ayon sa gay comedian, talagang kinilabutan siya habang pinupuri siya ng veteran actress. Napanood daw kasi nito ang pagsagot ni Juliana sa grand finals ng Miss Q&A, “Sabi niya sa akin, ‘Ang galing-galing mo, kuhang-kuha mo yung puso ko.’”

Samantala, nang tanungin siya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda tungkol as kanyang lovelive, sagot ni Juliana single raw siya ngayon at, “I love my life.”

“Para silang mga multo, ang dami nilang nagpaparamdam, ang dami ko nang experience sa…pagkakaroon ng boyfriend. So ngayon mas ano na ako, kinikilatis ko na ang totoo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending