Pederalismo, stupid God panlihis

By Lito Bautista July 20,2018
share this

Pederalismo, stupid God panlihis

By Lito Bautista July 20,2018
share this

HANAPIN ang katarungan pagbawalan ang mga nang-aapi, harapin ang daing ng mga ulila. Ang Pagninilay sa Isaias sa Ebanghelyo (Is 1:10-17; Sal 50: 8-9, 16-17; 21, 23; Mt 10:34-11:1) sa Paggunita sa Birhen Maria ng Carmel.

Ang santong Francois Mauriac (1885-1970) ay nagsabi: We cannot approve or practice publicly in the name of Caesar what the Lord condemns, disapproves, or curses, whether it be failure to honor our word, exploitation of the poor, police torture, or regimes of terror.

Si Fr. Cyprian de Meo ay nagsabi na ang demonyo ay parating naninindigan at matalino. Sumasagot ito sa pamamagitan ng Latin o Ingles hinggil sa theology, philosophy at history. Kung may iniisip kang opisyal ng gobyerno, lalo na ang ibinoto mo, ang Ingles, na madalas bitin at barok, ay di na naiintindihan ng maraming mahihirap. Ilan na lang ang gumagamit ng Latin at pati mga abogado ay may kodigo pa.

Simula kay Isaias hanggang ngayon wala pa ring katarungan at ang pang-aapi ay hindi na ibinabawal. Eh ano kung hanggang ngayon ay may panaghoy pa rin ang mga naulila ng SAF 44, ilang political at drug killings, at Dengvaxia, na malinaw na di interesadong igawad ang hustisya ng kasalukuyang pangulo dahil sasabit ang kanyang mga bata, o siya mismo at ang kanyang programa de muerto ang sisisihin, dedma lang?

Mapagpanggap pa na may alam sa pananampalataya pero ang mga gawa at ikinikilos ay taliwas at pansarili lamang at di para paglingkuran ang aba. May maling akala pa na ang pagpapakabanal ay makakamit ng kanyang talino at di nagmumula sa tulong divino.

Si Noynoy Aquino ay si Boy Sisi. Si Duterte, bilang lider ng bansa, ay kailangan ding sisihin sa mga sunud-sunod at kahiya-hiyang pagkakamali ng PCOO (kung tawagin ni Kerima Polotan ay Prized Boners, ang mga mali ng tinaguriang writers at editors). Susme! Tayo ang nagpapasuweldo sa mali-mali at mayayabang na taga-PCOO. Wala lang? Ganer lang?

Si Director General Oscar Albayalde, di tulad ni Duterte, ay kumikilos sa bawat pagkakamali ng mga pulis. Malaki ang problema ni Albayalde. Di na iniuulat ni Albayalde ang pagsibak araw-araw at pagpapatapon sa floating ng mga bugok. Huminto na sa pagsibak sa mga miyembro ng Gabinete at matataas na opisyal si Duterte. Dahil may nginangata ang taumbayan at tambayan: ang Pederalismo at ang Stupid God.

Saan ka man naroroon, PC Col. Romeo Odi (lodi, Cavite PC-INP commander; salamat sa iyong plake at pagkilala sa akin), ikaw lamang ang nakaaalam ng timpla ng politika sa Etivac. Noong panahon mo, tumahimik ang girian at ambusang politika sa Cavite. Maging mga reporter na alam mong hawak sa leeg ng mga politiko ay “hindi mo inatrasan.” Wala pang tech/gadgets noon, pero ang iyong intel mula sa katalinuhan ay hinangaan ng estadong mga politiko sa lalawigan, kabilang na si Johnny Remulla. Sisiw ang kasong Lubigan para sa iyo at ikatutuwa ito ng kanyang balo, kung ikaw ang hepe ng Cavite ngayon.

UST (Usaping Senior sa Tilapayong, Baliwag, Bulacan): Sa mga kasi-senior lang, madalas itanong ang: aalagaan ka ba ng anak mo kapag 75-anyos ka na? Walang tiyak na sagot, pakli nila, dahil Diyos lamang ang nakaaalam. Paano yung walang anak at namatay na ang mga anak? Meron ka bang apo na nakatitiyak ka na magpapalit ng iyong lampin kapag di ka na makabangon sa higaan? Inihinto ang talakayan dahil ang iba’y nangingilid na ang luha. New topic, please.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Poblacion, Baliwag, Bulacan): Tumataas na bilang ng suicides, teen pregnancies at drug addiction. Ang dahilan: walang ama o walang ina o walang ama’t ina sa paglaki ng mga anak. Ang pitong lider-matatanda na nagpulong ay isinantabi ang turan na mga Ebanghelyo, muna. Simple lang kung bakit nalulong sa masamang bisyo: walang mga magulang.

PANALANGIN: Dumarating ang Diyos natin, di Siya nanahimik Salmo 50:3.

MULA sa bayan (0916-5401958): Pinagtatawanan ninyo si Pacquiao pero ngayon, mistulang papuri sa diyos ang inyo ibinibigay sa kanya. …8921. Fatima, GenSan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending